^

Para Malibang

Aswang Family (68)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

EWAN kung sa kalituhan kung magiging superhero na ng mundo o mananatiling masamang diwata, ibinangga ni Adwani ang kotse sa ocean liner sa Pacific Ocean.

Sabog ang kotse niyang mula sa magic. Si Adwani ay tumilapon, kaydaming tinamong sugat.

Hindi man lang namalayan ng nasa ocean liner ang naganap na aksidente. Buong yabang na nagpatuloy sa paglalakbay ang napakalaking sasakyang dagat.  

Ang bad fairy, ano na ang nangyari? Nasaan  na ang magical car niya?

SI ADWANI, a.k.a. Bad Fairy na moderna, ay nakalutang sa dagat, pataob,  lasug-lasog ang butterfly wings, sunog ang suot na bikini.

Nakabuyangyang ang kanyang kahubaran nang padapa; kung siya ay ititihaya, matatambad ang lahat-lahat niyang yaman bilang magandang dalaga. Lulumain niya ang pinakaseksing bold star sa buong mundo.

Sa ilalim ng dagat, aali-aligid ang mga pating kay Adwani; ang mga ito ang nakakaalam kung patay na o buhay pa ang hubo’t hubad na biktima.

May kamatayan ba ang tulad niyang nilalang ng kadiliman?

SA ISLANG mabato, natagpuan na ng mga naghahanap ang lulan ng eroplanong nawawala. Tama pala ang sabi ng mahiwagang babaing nakasakay sa kotseng pandagat.

Nalaman ng mga rescuers na ang eroplano ay bumulusok sa ilalim ng dagat, pero ayon sa mga survivors ay muling lumutang--sa tulong ng dalawang kakaibang nilalang.

“Isang bading na kapre at isang fairy na naka­bikini ang nagligtas sa amin, sa maniwala kayo’t hindi,” matatag na sabi ng kapitan ng eroplano.

“Ang bading na kapre ay iniwan ng fairy na nakabikini, kasama namin dito sa isla, ” dugtong ng isang survivor.

“Nasaan na…?” tanong ng rescuer.

Saka lamang nalaman ng mga survivors na wala na sa paligid ang kapreng bading. Hindi na alam kung nasaan.

SA HIMPAPAWID, mangha ang nasa search helicopter sa nakita sa ibabaw ng dagat.  “Tingnan n’yo! Hayun!”

Magandang babaing naked, naglalakad sa karagatan! (ABANGAN)

 

vuukle comment

ADWANI

BAD FAIRY

BUONG

HAYUN

ISANG

LULUMAIN

NASAAN

PACIFIC OCEAN

SI ADWANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with