^

Para Malibang

Tapat na kaibigan (1)

Ms. Jewel - Pang-masa

Para mapanatili mo ang magandang pagkakaibigan, kailangan na maging bukas ang damdamin at komunikasyon ng bawat isa. Kaya lang dumarating din sa magkaibigan ang isang sitwasyon na nahihirapan kang maging “open” sa kanya at sabihin sa kanya ang ilang bagay na gusto mong ipaalam sa kanya. Maaaring nahihiya o natatakot ka na masaktan mo ang damdamin ng iyong kaibigan kaya napipigilan kang maging totoo sa kanya. Gaya ng karanasan ni Angelica, 20, nais niyang pagsabihan ang kanyang best friend na umiwas sa isang ka-schoolmate nila dahil masamang impluwensiya ito sa kanya. Ngunit hindi masabi ni Angelica, dahil sa takot na magalit ito sa kanya.  Narito ang ilang bagay na dapat mong tandaan bakit kailangan mong maging totoo sa iyong kaibigan anuman ang sitwasyon.

Maging tapat – Sa kabuuan o pangkalahatan, kailangan mong maging tapat sa kahit na sinuman, lalo na siyempre kung ito ay iyong kaibigan. Ang maliliit na itinuturing na “white lies” , kapag dumami ay nagiging mapanganib, kaya hangga’t maaari ay maging tapat sa kanya. Isipin mo na lang kung hindi ka magiging totoo sa kanya, sino pa ang aasahan mong magsasabi ng tapat sa kanya?

Sabihin lang kung ano ang importante – Hindi naman porke kaibigan mo ang isang tao ay may karapatan ka ng sabihin sa kanya ang lahat ng gusto mong sabihin. Ang mga bagay na tingin mo ay makakabuti ang mas piliin mong sabihin sa kanya at hindi ang mga bagay na makakapagpababa ng kanyang moral.

Maging handa – Anuman ang iyong sasabihin sa kanya dapat mong ihanda ang iyong sarili, lalo na kung sa tingin mo na ito ay medyo sensitibo para sa kanya. Halimbawa, nakita mo ang kanyang gf/ bf na mayroong kasamang iba, dapat mong paghandaan kung paano mo ito sasabihin sa kanya sa paraang hindi siya mabibigla, magagalit at masasaktan. At kung ganito kasensitibo ang iyong sasabihin sa iyong kaibigan, dapat kang humanap ng magandang tiyempo at lugar kung saan mo ito sasabihin. Huwag na huwag mo itong sasabihin sa kanya na kayo ay nasa isang pampublikong lugar, lalo na kung hindi mo pa naman kabisado ang magiging reaksiyon niya para maiwasan ang isang maeskandalong eksena.

ANUMAN

GAYA

HALIMBAWA

IYONG

KANYA

KUNG

MAGING

MONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with