Kung gusto ng maputing ngipin...(1)

Maraming tao ang naghahangad na magkaroon ng maputing ngipin. Minsan pa nga kung anu-ano na lang ang ginagawa mo para lang pumuti ang iyong ngipin. Pero, may mga bagay na hindi mo dapat ginagawa na siyang nagdudulot ng mantsa sa iyong ngipin. Narito ang ilan:

Madiing pagsisipil­yo – Kapag masyadong matindi o madiin ang pagkukuskos mo ng toothbrush sa iyong ngipin, malaki ang posibilidad na maalis ang enamel sa iyong ngipin. Kapag ganito ang nangyari, magiging sensitibo ang iyong ngipin at gilagid. Ayon sa mga eksperto, dapat na pumili ng sipilyo na malambot ang bristle at kuskusin ang ngipin ng paikot-ikot at hindi patagilid.

Pagkain ng masyadong acidic na pagkain -  ang pagkain ng masyadong acidic na pagkain gaya ng sobrang aasim na pagkain ay nakakapag-alis pa rin ng enamel sa ngipin. Sa oras kasi na maalis ang enamel na siyang nagpapakintab ng ngipin ay hindi na ito maibabalik. Kaya maging ang mga ugat sa ilalim ng mga gilagid ay nawawalan na rin ng proteksiyon kaya nakakaramdam ng pangingilo sa oras na uminom ng sobrang init o lamig na inumin. Ang mga kilalang acidic na inumin ay mga orange juice, wine, sports drink, sour gummy candies at lemons. Ang ngipin daw ay parang seashell, sa oras na ibinabad mo ito sa softdrink tiyak na matutunaw. Kung hindi mo mapigilan ang sarili mo sa pag-inom ng mga ito, mas mabuting agad na magmumog o uminom ng tubig pagkatapos uminom nito. Maaari rin naman na gumamit ng straw habang umiinom nito para hindi masyadong madaanan ng inuming ito ang iyong mga ngipin.  (Itutuloy)

 

Show comments