Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na ‘Las Posadas’ ang tawag sa pagdiriwang ng mga taga Mexico sa kanilang Kapaskuhan? Ito ay ang pagpoprosisyon sa’Holy family’ at pagpapalabas sa teatro ng kapanganakan ng Panginoong Hesus. Sinisimulan ng mga Mexicans ang kanilang prosisyon siyam na araw bago magpasko bilang paggunita sa paglalakbay ng siyam na araw nina Joseph at Mary patu­ngong Betlehem mula sa Nazareth. Sa kanilang pagdiriwang ng Kapaskuhan, bumabaha sa kalsada ng pagkain at inumin at nagbubukas naman ng ‘piñata’ ang mga bata bilang kasiyahan.

Show comments