Inihagis ang laman loob ng salmon

Panaginip: Buhay ang mga salmon itinitinda sa palengke at nakanganga ang mga bibig. Nagalit ang tindera na walang dahilan at inihagis ang mga lamang loob ng isda sa mga nami­mili.—Ice Cream Cone

Interpretation: Ang salmon ay simbolo ng karunungan at katalinuhan. Ang tinderang nagagalit sa panaginip ay ang iyong konsensiya. Ang lamang-loob ng isda ay nagre-represent ng mga bagay  na patapon at walang kuwenta. Nakokonsensiya ka at nagagalit sa iyong sarili dahil sinayang mo ang iyong potensiyal. Parang napatapon lang ito. Ang isdang naka­nganga na parang nagagalit ay representasyon ng panghihinayang.

 

Show comments