^

Para Malibang

Takot ng umibig

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo akong Luis. Sa edad kong 37 ay binata pa rin ako. Ito’y dahil sa mga masaklap kong karanasan sa pakikipag-relasyon kaya parang ayaw ko nang pumasok muli sa panibagong seryosong relasyon. Ang una kong nobya na mahal na mahal ko ay bigla na lang nag-migrate sa Australia nang hindi nagpapaalam at nakapag-asawa doon. Ang ikalawa kong gf ay nakasalubong ko sa mall na may nakaakbay na ibang lalaki. Ang ikatlo ay nabuntis ng best friend ko. Pinaglaruan lang nila ang puso ko. Pero ayaw ko rin naman sanang tumandang binata. Kaya nag-gf ako ng hindi maganda pero tapat magmahal. Ang problema ay kinakantiyawan ako ng aking mga kaibigan at kaanak. Kahit wala akong nadaramang pag-ibig ay pinipilit ko ang aking sarili. Balak ko siyang pakasalan pero nagdada­lawang-isip ako. Ano ang maipapayo mo sa akin?

Dear Luis,

Ang kagandahang panlabas ay kumukupas. Pero ang babaeng kulang sa pisikal na ganda pero tapat magmahal ay isang hiyas. Kung mahal mo siya huwag kang mangiming pakasalan siya. Ngunit kung mag-aasawa ka ng “pangit” dahil lang marami kang kabiguan sa mga magaganda ay maaaring maging isang maling desisyon. Pag-aralan mong mabuti ang iyong pasyang magpakasal sa kanya. Sa isang relasyon, mahalaga na may pag-ibig sa taong kakasamahin mo sa habambuhay.

Sumasaiyo,

Vanezza

ANO

BALAK

DEAR LUIS

DEAR VANEZZA

KAHIT

KAYA

LUIS

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with