_pang-masa
^

Para Malibang

‘Setting her free’...

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Joni, 22. May gf ako ngayon. Kaibigan ko siyang matalik bago kami naging mag-on. May limang buwan na ang aming relasyon nang bigla siyang nakikipag-break sa akin. Nabigla ako at tumanggi sa gusto niya. Sabi ko, hindi ko kayang mawala siya sa akin. Nang tanungin ko kung bakit, basta’t na-realize lang daw niya na magkaibigan lang dapat kami. Nalaman ko na nakikipagbalikan sa kanya ang kanyang dating bf. Taksil ang bf niyang ito. Nakipag-live-in ng isang taon sa ibang babae tapos ngayon binabalikan niya ang nobya ko. Pero sabi ng gf ko, true love raw niya ang ex niya. Ano ang dapat kong gawin?

Dear Joni,

Hindi mo puwedeng pilitin ang babaeng ayaw na sa iyo. Just for the sake of your friendship, unawain mo siya. Alam kong masakit ang nangyaring iyan pero ganyan talaga ang buhay. Bigyan mo siya ng kalayaan para sundin ang itinitibok ng kanyang puso. Puwedeng mali ang kanyang desisyon pero buhay niya iyan at hindi mo puwedeng panghimasukan. Buti nga at ngayon nangyari ang pagbabago ng kanyang isip habang hindi pa kayo kasal.

Sumasaiyo,

Vanezza

ALAM ANO BIGYAN BUTI DEAR JONI DEAR VANEZZA JONI KAIBIGAN NABIGLA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with