De-kalidad na pagtulog (1)
Bakit nga ba natin kilangan ng sapat o tamang oras ng pagtulog sa araw-araw? Marami tayong naririnig na pangaÂnib dulot ng hindi pagkakaroon ng tama at sapat na tulog. Ayon sa mga pag-aaral mas mahalaga ang kalidad ng patulog kesa sa haba ng ating pagtulog. Ang pagtulog ng walong oras ay walang kabuluhan kung ang pagtulog ay wala sa tamang oras na dapat tayo ay natutulog. Narito ang ilang mga gabay sa upang makamit ang pagkakaroon ng sapat at tamang oras ng pagtulog
1. Dapat nating iÂwasan ang pag-inom ng alak at kape bago matulog. Ang alcohol ay maaring makahadlang sa normal na daloy ng pagtulog. Kagaya rin ito ng sigarilyo. Maaaring ikonsidera ang paghinto sa pag-inom at paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay pinasisikip ang respiratory airways at sinusunog ang mucous lining, kayat nahahadlangan ang daloy ng oxygen na maaaring makadagdag sa hindi pagkakaroon ng maayos na pagtulog.
2. Umiwas din sa malabis na pagkain kapag malapit na ang oras sa pagtulog dahil inaabala nito ang siklo ng pagtulog.
3.Huwag ding uminom o kumain kapag hindi makatulog. Mas makabubuting manatiling nakahiga sa isang madilim na silid.
4. Iwasan ang “pagbawi ng tulog†sa pamamagitan ng matagal na pagtulog tuwing may libreng oras. Ang ganitong pag-uugali ay makapagpapanibago sa panloob na orasan ng katawan.
- Latest
















