Gulay para sa iyong katawan
Karamihan sa atin ay kinatatamaran ang pagkain ng gulay sa kadahilanang madulas, mapakla o minsan hindi tugma sa ating panlasa. Anu-ano ba ang benepisyo sa kalusugan ang pagkain ng gulay at bakit natin kailangan ang gulay sa buhay natin?
MGA BENEPISYO DULOT NG PAGKAIN NG GULAY
1. Ang pagkain ng maÂsustansiyang gulay ay nakakabawas ng tsansang magkaroon ng cancer. Cruciferous na gulay ay nagtataglay ng bitamina, mineral, at ibang nutrients na tinatawag na glucosinolates. Ang glucosinolates ay napatunayan ng mga dalubhasa na mainam na pang-iwas sa cancer. Ang compounds na ito ay napatunayan na may epekto sa pagbawas ng cell cancer ng hayop at tao.
2. Ang pagkain ng masustansiyang gulay nakakaÂbawas ng tsansang magkaroon ng sakit sa puso. Ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa ang gulay ay nagtataglay ng mga micronutrients na tumutulong sa puso na gumana ng maayos.
3. Ang gulay ay mainam na pinagmumulan ng fiber na tumutulong upang makaiwas sa panganib dulot ng obesity at type 2 diabetes. Ang gulay ay nagtataglay ng mga bitamina at nutrients na pumipigil sa mga sakit na nagreresulta sa pagkakaroon ng diabetes.
4. Mainam din itong alternatibong pagkain sa mga taong nais bumaba ang kolesterol. Isa itong magandang alternatibong pagkain sa mga taong mataas ang kolesÂterol upang makaiwas sa sakit dulot ng kolesteol. Ang gulay ay mababa sa carbohydrate at mababa rin ang sugar content na nagpapataas ng timbang ng isang tao.
- Latest
















