ALAM N’YO BA?

Alam n’yo ba na sa France, kumakain sila ng  kalahating milyong snail o suso sa loob ng isang taon? Ang isang pangkaraniwang tao ay kumakain ng  1,500 libra ng pagkain sa isang taon. Nagtataglay naman ng 20 mg ng caffeine ang isang ounce ng chocolate.  Kinakailangan ng 3500 calories para magkaroon ka ng isang libra ng fat. Ang pinakamatandang kainan ay matatagpuan sa China. Ito ay ang “Kai-Feng” na itinayo noon pang 1153. 90% ng mga isda ay nahuhuli sa Northern Hemisphere. Mayroon naman 100,000 bacteria na matatagpuan sa isang litro ng tubig. Ang sibuyas, mansanas  at patatas ay iisa lang ang lasa, nagkakaiba-iba lang ito sa amoy. Ang mga Amerikano ay nakakaubos ng 22 libra ng kamatis kada taon. Ang mga native Americans ay hindi talaga kumakain ng turkey, pinapatay o kinakatay lang nila ito dahil sa pagiging tamad.

Show comments