^

Para Malibang

Kamot nga ba ang ‘stretch mark’?

HEALTH CORNER - JC - Pang-masa

Hindi po. Ang pagsulpot ng stripes o mga linya sa balat, karaniwan sa bahagi ng sikmura, hita, balakang at iba pang ibabang bahagi ng katawan ay tinatawag na stretch mark.

Iba ang itsura ng balat dulot ng kamot kung ikukumpara sa stretch marks.

Sa paliwanag ng mga expert, kadalasan lumilitaw ang stretch marks sa huling ikatlong buwan nang pagbubuntis. Dahil sa nangyayaring hormonal changes sa katawan ng soon-to-be mommy.

Bukod sa pagbubuntis, maaari ring dulot ng pagbigat dahil sa nadagdag na timbang o pagba-body building ang stretch marks.

Ayon pa sa mga expert, sa sandaling masira ang connective fibers sa gitnang layer ng balat, ang dermis saka nagkakaroon ng stretch marks ang isang tao.

Ilang rekomendasyon para hind imaging kapansin-pansin ang stretch marks:

Gumamit ng moisturizer, gamitin dito ang pinaghalong olive oil at aloe vera

Sinasabing nakakatulong ang glycolic acid para maging mas elastic o mas nababatak ang balat. Pero ipinapayo ng article na ito na gawin ito nang may patnubay nang pinagkakatiwalaan mong dermatologist.

Maganda rin ang paggamit ng Vitamin E oil, lalo na para sa mga kababaihan.

May mga nagsasabing ikonsidera ang laser treatments para sa pagtatanggal ng stretch marks. Pero bukod sa hindi ito afford ng marami, nasa discretion lang ito ng derma kaya sumangguni muna sa kanila.

AYON

BUKOD

DAHIL

GUMAMIT

ILANG

MAGANDA

MARKS

PERO

STRETCH

VITAMIN E

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with