Kapag may singaw
Mahirap kumain ng may nararamdamang hindi maganda sa loob ng kanyang bibig. Maaaring nakaÂkaranas ka ng pangingilo ng ngipin kaya mahirap uminom ng malamig o mainit na juice o kape o pagkain. Ito ay dahil sa pagkapal ng acid sa iyong ngipin. Ito rin ang nagiging dahilan ng mabilis na pagkabulok ng ngipin. Paano nga ba maiiwasang kumapal ang acid sa iyong ngipin? Narito ang ilang paraan:
Umiwas sa mga inumin/pagkaing nakakapagdagdag ng acid – Nakakabuti sa katawan ng tao ang pag-inom ng wine, fruit juice, soft/pop drinks at vinegar based salad dressings at pagkain ng mga snack/ junk foods, ngunit hindi moa lam, sisirain nito ang iyong ngipin dahil sa mataas na sangkap ng acid nito na napupunta sa iyong ngipin. Kung hindi babalansehin ang pagkain ng mga ito, malaki ang posibilidad na mabulok agad ang ngipin. Hindi rin dapat na magsipilyo matapos na kainin o inumin ang mga ito, kahit pa isang oras na ang nakalipas. Ito ay dahil lumalambot ang enamel ng ngipin at tiyak na masisira sa oras na sinipilyo agad ito. Hindi rin dapat na kinukuskos mabuti ang ngipin kapag nagsisipilyo dahil may mga mineral sa iyong ngipin na natatanggal. Mumugan ang iyong bibig ng tubig na may baking soda para bumaba ang acid sa iyong bibig.
Gumamit ng straw – Para hindi direktang mapunta sa iyong mga ngipin ang acid mula sa iyong iniinom at kinakain, mas mabuting gumamit ng straw. Ngunit isang maliit na solusyon lang ito, ang pinakasolusyon para hindi tuluyang masira ang iyong ngipin ay bawasan ang pagkain at pag-inom ng mga pagkaing may mataas na sangkap ng acid.
- Latest

















