‘Miss ko na siya’
Dear Vanezza,
I’m 19. Crush ko po yung kaibigan ko. That time may gf siya pero parang type niya rin ako. Grabe ang pagkagusto ko sa kanya. Hindi kumpleto araw ko ‘pag hindi ko siya nakita. One day muntik na ako pagsamantalahan ng asawa ng pinsan ko. Nag-work kasi ako bilang tindera ng pinsan ko. Kaya napilitan ako umalis ng hindi nagpapaalam sa kanya. Isang taon na po ang nakalipas hindi ko pa rin siya makalimutan. Kasi unfair hindi ako nakapagpaalam. Alam ko nag-aalala siya kasi bigla akong nawala. Siguro kung hindi ako umalis naging kami.
Sagot:
Kung hindi ka umalis, baka napahamak ka pa sa kamay ng asawa ng pinsan mo kaya tama lang ang ginawa mo. Kapag ganyang nalalagay na ang sarili sa peligro, isipin mo muna ang iyong kaligtasan. Tungkol sa crush mo, sabi mo may gf na siya at sa palagay mo lang type ka rin niya. Mahirap mag-assume ng feelings dahil maaring hindi naman talaga ito ang nararamdaman niya. Hindi ka nakakasiguro kung may pagtingin nga rin ba siya sa’yo. Dahil kung type ka niya, kahit man lang sa text ay ipapaabot niya ang kanyang pag-aalala. Kung mahigit 1-taon na at wala pa siyang paramdam sa’yo, mag-isip ka na dahil baka ikaw lang ang nakaka-miss sa kanya.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest





















