^

Para Malibang

Mga bukol sa genital ng babae

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ - Pang-masa

Prolapse - Ang nakabukol sa vagina ay posibleng prolapse. Ang vagina ay nasa pagitan ng bladder o pantog at  rectum o puwet. Ang pantog, vagina at puwet ay hindi nawawala sa posisyon dahil kinakapitan ito ng muscle na abot hanggang pelvis. Ito ay ang pelvic floor

muscle. Kung mahina ang mga muscles na ito, ang pantog o puwet ay uurong papuntang vagina at maiipit ito kaya maaaring lumaylay ang matris.

• Ang treatment sa prolapse ay operasyon ngunit maaaring makatulong ang mga sumusunod.

• Pagbabawas ng timbang kung masyadong mataba. Makakatulong ito dahil ang sobrang timbang ay nagbibigay ng pressure sa pelvic floor na
nagpapalala ng problema.

• Itigil ang paninigarilyo kung mas smokers cough dahil ang pag-ubo ay nagbibigay pressure sa  pelvic floor.

• Mag- pelvic floor exercises. Makakatulong ito sa pagpigil sa paglabas ng ihi dahil sa  prolapse.

• Kailangan ng operasyon kung nagiging problema na ang prolapse lalo na kung hindi na mapigilan ang pag-ihi.

Entrance papasok sa vagina (vulva) - Karamihan sa mga babae, ang pakiramdam sa  entrance ng vagina ay parang maumbok. Ang parang maumbok na ito ay ang natira sa  hymen na abot hanggang entrance sa mga batang babae. Ang  hymen ay manipis na

tissue na may butas para makaraan ang  mens­trual blood palabas. Lumalaki ang butas kapag naglalaro ng sport o kung may ginagawang straneous activity, naglalagay ng tampons o kapag nakikipag-sex ngunit ang tira sa hymen ay posibleng parang hindi regular na

umbok. Ang babaeng nanganak at tinahi ay maaaring magkapeklat na uumbok sa vaginal opening. Ang genital warts na isang uri ng STD (sexually transmitted disease ay madalas lumalabas sa vaginal entrance. Bihira lang na may umbok o bukol sa entrance ng vagina na

cancerous  (vulval cancer). Puwedeng umbok lang ito na parang maliit na cauliflower na puwedeng mangati, magdugo at may mabahong amoy. Kung may lumalaking umbok sa vagina, kumonsulta sa inyong doctor.

BIHIRA

ITIGIL

KAILANGAN

KARAMIHAN

KUNG

MAKAKATULONG

VAGINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with