^

Para Malibang

‘The Rainbow (23)’

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NASA school grounds pa ang mga magulang ng mga batang napatay ng mga terorista. Pero paalis na ang mga ito.

“Nahuli kayo ng dating ni Father, Mang William. Nawala na ang mga multo ng mga bata,” nakangiting sabi ng isang magulang. “Pero masasaya sila sa kabilang buhay.”

Nagkatinginan sina Father Jayson at William.

Si Donna ay nagki­bit-balikat. “Sabi ko na kapag walang ulan at walang rainbow, hindi na makikita ang mga multo…”

“Father Jayson…?”

“Willy, kung nakita ko sana ang sinasabi ninyong pagmumulto—e di sana, makapagbibigay ako ng opinion.”

“Ang Diyos ay hindi nakikita, and yet itinuturo ninyong paniwalaan at sambahin, Father Jayson.”

“Mali, William. Totally magkaiba ang pinagkumpara mo. Walang kapantay si Lord, walang limitasyon ang kapangyarihan. Ang sinasabi n’yong mga multo—kung totoo man—isa lamang bahagi ng hiwaga ng buhay,” mahabang sabi ng alagad ng Diyos.

Binago ni William ang approach sa kaibi­gang pari. “Let me put it this way, Father. Ano sa palagay mo ang dahilan at hindi ko makita ang ghost ng anak ko, gayung nakita ng mga kapwa ko magulang?”

“Ikaw ang tatanungin ko, Willy. Ano ang kaibahan mo sa mga magulang na ‘yon na namatayan din ng mga anak…?”

“Ewan ko, hindi ko alam, Father.”

“Base sa naikuwento mo pa kanina, ikaw ay may hinalang minadali ng yumao mong misis ang kamatayan ng inyong anak—di ba?”

Tumango si William.

“May negatibo kang damdamin, hindi mo matanggap na namatay o napatay ang anak mo dahil kay Mildred—tama?”

“Wala akong katibayan pero iyon ang duda ko. Naging selfish si Mildred,” diin ni William. “Hindi pa dapat namatay si Tamara.”

“Ang mga magulang na nakasaksi sa umano’y pagmumulto ng masasayang bata, hindi rin ba matanggap na nasa kabilang buhay na ang mga anak-anak nila? I don’t think so. Tingin ko’y wala na silang hinanakit.”

 â€œAno’ng ibig mong sabihin, Father?”

“Tanggapin mo ang kalooban ng Diyos, William.”                     

(DALAWANG LABAS)    

ANG DIYOS

ANO

DIYOS

FATHER

FATHER JAYSON

MANG WILLIAM

  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with