^

Para Malibang

Ang mahabang buhok

Pang-masa

Isa ang buhok sa itinuturing ng “asset” ng mga kababaihan. Ang iba nais ng mahabang buhok dahil mas “feminine” daw ito tingnan. Kaya  lang dapat mo din tingnan kung ito ba ay bagay naman sa’yo.  Minsan, ang iba, nahihirapan din panatilihin ang pagkakaroon ng mahabang buhok. Paano nga ba magkaroon ng “long, shiny, healthy hair”? Narito ang ilang paraan:

Huwag paliguan araw-araw? – Oo, tama ang pagkakabasa niyo. Mahirap gawin ito lalo na kung sanay ka na araw-araw mong pinaliliguan ang iyong buhok. Pero sa totoo lang, mas nakakabuti ito sa iyong buhok. Ang pagsa-shampoo kasi araw-araw ay nakakaalis ng natural oil sa iyong buhok. Ang resulta, dry hair.  Kung bibigyan mo ng pagkakataon ang  iyong buhok na mailabas niya ang kanyang natural oil, mas magiging malusog ito at lalabas ang ganda nito. Nakatipid ka pa sa pagbili ng shampoo.

Regular na pagpapagupit – Maraming kababaihan, minsan ay pinagdidiskitahan ang kanilang buhok. Lalo na kapag siya ay nakakaramdam ng depresyon. Hindi ito tama, lalo na kung hindi naman nakakaranas ng regular trim ang iyong buhok. Kaya nga dito nauso yun sabi-sabi na nagtatampo ang buhok. Para maiwasan ito, magkaroon ng regular na pagpunta sa parlor at magpa-trim ng buhok. Sa pamamagitan nito, naaalis agad ang mga split ends at dry hair sa iyong buhok.

Iwasan ang blow-dry -  Maraming babae ang hindi sanay na matagalang basa ang kanilang buhok. Kaya agad na kinukuha ang hair dryer saka ito patutuyuin. Mali ito, ayon sa mga experts, dapat na 80% ng tuyo ang iyong buhok saka mo lang ito dapat na gamitan ng dryer.  Malaki kasi ang nasisira sa iyong buhok kung agad itong tatapatan ng dryer kahit basang-basa pa. Higit sa lahat huwag din kukuskusin ng tuwalya, sa halip, dampi-dampian lang ito.

Huwag matakot kahit 40-anyos ka na – Kapag nagkakaedad ang babae, natural na nagiging manipis na ang kanyang buhok. Ang pagkakaroon ng mahabang buhok ay nakakatanda din ng itsura, kaya sinasabing hindi na dapat nagpapahaba ng buhok ang mga nasa ganitong edad. Hindi naman porke nagkakaedad na rin ay wala ng karapatan magpahaba ng buhok. Ang dapat mo lang gawin ay humanap ng style ng iyong buhok na hindi nakakatanda sa iyong itsura bagama’t ikaw ay nasa ganito ng edad. Isa sa mga style ng buhok na ipinapayo sa mga babaeng nasa ganitong edad ay “layered”.

ARAW

BUHOK

HIGIT

HUWAG

IYONG

KAYA

MARAMING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with