^

Para Malibang

Basic CPR (2)

HEALTH CORNER - JC - Pang-masa

3. Pagtatakip sa bibig. Kailangang takpan ang bibig ng pasyente gamit ang sariling bibig. At hingahan siyang dalawang beses. Dapat sa bawat paghinga ay mapaangat ang dibdib ng pasyente. Panatilihing naka-slant ang posisyon ng kanyang ulo at naka-angat ang baba habang sinusubukang sagipin ang kanyang paghinga.

4. Paggamit ng mga kamay. I-interlock ang iyong magkabilang kamay, nakaharap ang mga palad sa pasyente. Ilagay ang mga kamay sa gitnang bahagi ng kanyang dibdib. Matatag na idiin ito sa kanyang dibdib. Inirerekomenda ng mga health care expert ang 30 chest compression sa bawat pagkakataon. Dapat na maging mabilis at matatag ang compression.

5. Paghahalinhin sa tuluy-tuloy na rescue breaths. Ipagsalitan ang dalawang rescue breaths sa 30 chest compression hanggang sa makahinga na ang pasyente o hanggang sa may dumating na ibayong tulong.

Mahalagang tandaan na kung hindi kilala ang gagawan ng CPR, ipinapayo na gawin ito nang ligtas sa pamamagitan ng paggamit ng safety device. Kung wala ka naming sapat na kasanayan sa pagsasagawa ng CPR, ikonsidera lamang ang chest compression dahil tanging mga trained lamang ang siguradong makakapagsagawa ng halinhinang chest compression at rescue breathing.

Gayunman, ang alin man sa chest compression o rescue breathing, ayon sa mga expert ay ikinokonsiderang CPR.

Importante rin na malaman na iba ang proseso ng CPR para sa mga bata o sanggol kumpara sa mga adults.

 

COMPRESSION

DAPAT

GAYUNMAN

ILAGAY

INIREREKOMENDA

IPAGSALITAN

KAILANGANG

MAHALAGANG

MATATAG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with