‘Benefits of Love’
Sa dami ng uri ng emosyon, tanging ang pakiramdam ng umiibig ang masarap damhin. Sa isang pag-aaral, lumalabas na ang mas maliit ang posibilidad ng isang tao na malulong sa alak. Tanging 4% lang ng mga taong may relasyon ang nasangkot sa pagkalulong sa alak. Kapag in-love din ang isang tao bumabata din ang itsura nito. Ayon kay Dr. David Weeks, ang isang tao na nakikipag-sex ng mas madami sa apat na beses sa isang linggo ay bumabata ng sampung taon sa kumpara sa kanyang edad. Ito ay dahil hindi lang ang pisikal na katawan ang nabebenepisyuhan kapag ikaw ay in-love kundi maging ang iyong emosyon kaya nagmumukhang bata ang isang tao.
Lumalabas din sa pag-aaral ng “English Longitudinal Study of Ageing” na mas nakakabuti ng epekto ng pagiging in-love o nasa isang relasyon ng mga babae kumpara sa mga lalaki. Mas nakakamit kasi ng mga babae ang kanilang mga pangangailangan sa isang relasyon kumpara sa mga lalaki. Gayunman, 40% pa rin ng mga taong may love life ang nagsasabing sila ay masaya at 25% lang ng mga single o walang karelasyon ang nagsasabing sila ay masaya rin.
Maging ang isip ng isang taong in-love ay umuunlad din. Isinailalim sa pagsusuri ng isang grupo ng mga researchers ang 1,000 katao dito at natuklasan nilang ang mga taong mayroong love life ng limang taon o mahigit pa ay mas mababa ang posibilidad na magkaroon ng depresyon at stress. Malayo din na magkaroon ng “suicidal attempt” ang mga taong may relasyon kumpara sa mga singles.
Mas nagiging matibay din ang puso ng isang taong in-love. Ito ang kinumpirma ng University of Rochester sa New York kung saan sinabi nito na tatlong ulit na magtatagumpay sa isang heart surgery ang isang taong in-love. Ito ay dahil sa idinudulot na saya ng isang taong umiibig. Lumalabas pa na ang benepisyong nakukuha ng puso sa pagiging in-love ay gaya ng pagtigil sa paninigarilyo, pagkakaroon ng magandang daloy ng dugo sa ugat at maayos na timbang. Natuklasan din na may magandang epekto sa chloresterol ang pagiging in-love.
- Latest


















