^

Pang Movies

Katrina Paula at Big Mak, hanggang BFF lang ang relasyon!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Katrina Paula at Big Mak, hanggang BFF lang ang relasyon!
Big Mak at Katrina Paula

What’s the real score sa pagitan ng dating sexy star na si Katrina Paula at dating PBA player-turned character actor and entrepreneur na si Mark Anthony Andaya na mas kilala ng mga tao as Big Mak ng hit primetime action-drama series na FPJ’s Batang Quiapo?

Sila na nga ba o nananatiling mag-best friends lamang ang estado ng kanilang relasyon?

Sa mga nakakita sa closeness nina Katrina at Big Mak, walang mag-aakala na walang relasyon ang dalawa at hanggang sa pagiging mag-best friends lamang umano ang kaya nilang ialay para sa isa’t isa.

Limang taon na ring mag-best friends ang dalawa na nagsimula nang magsama ang dalawa sa KapareWho segment ng noontime show na It’s Showtime. 

Although hindi si Big Mak ang pinili noon ni Katrina, naging daan naman ito ng kanilang pagiging mag-best friends.

Wifey ang tawag ni Big Mac kay Katrina at Habibi (for hubby) ang tawag ng aktres sa dating basketball player. Very close rin ito mga anak ni Katrina at sa kanya nila nakita ang father figure na matagal nilang hinanap.

Although open ang dalawa na magkaroon ng ibang karelasyon, nai-intimidate sa kanilang closeness ang mga ito kaya hindi nagtatagal at naghihiwalay rin sila.

Ayon kay Big Mak, magkaroon man siya ng ibang girlfriend o magkaroon ng asawa balang araw ay hindi umano mabubura ang pagiging mag-best friends na kailangan umanong tanggapin ng kanyang magi­ging future partner at ganoon din naman si Katrina sa kanyang magiging future partner.

Ang isa sa mga bahay ni Katrina ay ibinenta niya kay Big Mak at cost na hinulog-hulugan ng actor at MTRCB board member. Ang actress din ang nagbibigay ng advice kay Big Mak pagdating sa pagnenegosyo at sa investments nito. 

Katunayan, tatlo na ang naipundar na bahay ng da­ting batketbolista na may ilang naitayong negosyo na rin.

At 45, gusto rin ni Big Mak magkaroon ng sarili niyang pamilya at umaasa rin siya na makatagpo si Katrina ng lalaking magmamahal sa kanya nang tapat gayundin sa kanyang mga anak.

“Narito lang ako for Katrina anytime,” deklara ni Big Mak.  

“Mahal namin ang isa’t isa pero bilang magkaibigan lang talaga,” diin pa niya.

Sa part naman ni Katrina, inamin nito na kakaiba ang friendship na meron sila. 

Bakit kaya hindi nalang sila considering na pareho silang single?

“Hindi talaga,” diin ni Katrina na kahit nagpaseksi noon ay natuto naman itong mag-save at mag-invest sa iba’t ibang properties at negosyo kaya nabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang ina at mga anak.

KATRINA PAULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with