Nabuking sa mga mata Julia, brokenhearted?!

‘Kaloka ang mga follower ni Julia Barretto na nagkomento na bakit parang ang lungkot daw ng mata ng aktres.
Nag-post kasi ang anak ni Marjorie Barretto ng mga litrato ng ganap niya habang nasa Dubai.
Hindi raw nagsisinungaling ang mga mata kaya ipinagpalagay nila na mukhang totoo na may pinagdaraanan ito sa relasyon niya kay Gerald Anderson.
Kumalat kasi kamakailan ang intriga na nagbura raw ito ng litrato nila ng aktor at hiwalay na raw diumano ang mga ito na itinanggi ni Gerald.
Ikinonek pa nila iyon sa mga photo ni Julia na mukha raw ang lungkot nito ang baka brokenhearted talaga ito.
Depensa ng mga tagahanga niya ay hindi raw ba pwedeng pagod lang ang aktres?
Galing pa raw ito sa taping ng serye niya bago lumipad ng Dubai.
‘Katawa nga ang nagsabi na sino nga bang sasaya kung pagod na totoo nga naman.
Tigilan na nila ang paggawa ng issue kung wala naman silang basehan.
Imbes na purihin nila ang ganda ni Julia kahit mukhang pagod na pagod ito ay inintriga pa.
‘Kaloka sila.
- Latest