^

Pang Movies

Sylvia, faney na faney sa Cannes

Pang-masa
Sylvia, faney na faney sa Cannes
Sylvia

MANILA, Philippines — Faney na faney si Sylvia Sanchez nang rumampa sa red carpet ng 2025 Cannes International Film Festival.

Nakabilang sa main competition ang pelikulang Renoir na co-producer ang Nathan Studios kasama ang Happinet Studios ng Japan, Ici et La Productions (France), Akanga Film Asia (Singapore), Kawan Kawan Media (Indonesia) at Daluyong Studios ng Pinoy producer na si Alemberg Ang.

Talaga ngang naka-face-to-face niya ang mga Hollywood star na sina Cate Blanchett, Elle Fanning at Halle Berry, ganundin ang French actress na si Juliette Binoche, ng mister niyang si Art Atayde.

Pero iba ang experience niya sa American actor na si James Franco kung saan talagang ang bait-bait daw nito.

Sumikat si James sa mgapelikulang Spider-Man trilogy, Milk, Eat Pray Love, Rise of the Planet of the Apes, atbp.

Tho hindi siya nakaawra ng selfie sa red carpet, wish naman niyang sana ay hindi lang siya ang Pinoy producer na nakarampa sa Cannes.

Ang Pinoy producer na si Alemberg Ang ang naging daan upang maging co-producer siya ng Renoir na isang coming-of-age film na dinirek ng Japanese director na si Chie Hayakawa ng Plan 75.

“Dinadala niya ako, ini-introduce niya ko sa lahat. Hindi siya takot na didirekta ako sa producer. (May) tiwala kami sa isa’t isa. Nagkakatulungan kami ni Alem ngayon kahit sa maliit na paraan na maki­lala tayo abroad. Of course, meron na tayong Jaclyn Jose du’n, Dolly de Leon, Lea Salonga, pero kung ma-showcase ’yung talent ng Pinoy, mas maganda,” patuloy ng aktres-produ.

Kung dati-rati nga ay pa-observe-observe lang sila’t pabili-bili ng mga pelikulang dadalhin sa ‘Pinas, nitong Mayo, nasa main competition na sila.

Samantala, nakatakdang ipalabas ang pelikula sa Japan sa June 20, bandang August naman sa France at November dito sa ‘Pinas bilang bahagi ng QCinema Film Festival.

Kabayan Noli De Castro, Charo Santos, balik-himpapawid

Nagbabalik sa AM radio ang DZMM Radyo Patrol 630 sa pamamagitan ng 24/7 programming lineup na sabayang napapakinggan at napapanood sa DZMM Teleradyo sa pay TV at online simula Hunyo 2.

Kasabay ng pagbabalik nito ay ang muling pagdinig sa dalawang pinakatanyag na tinig sa radyo sa Pilipinas –sina Noli de Castro at Charo Santos.

Ang Kabayan, ang flagship public affairs program ng beteranong mamamahayag na si Noli de Castro, ay mapapakinggan na sa bagong timeslot tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10 a.m. hanggang 11a.m. Samantala, muling magbabalik ang radio adaptation ng tanyag na MMK, ang MMK sa DZMM, tuwing weekdays mula 12:30 p.m. hanggang 1 p.m.

Ipinahayag ni Media Serbisyo Production Corporation president Marah Faner-Capuyan ang kanyang kasabikan sa pagbabalik ng DZMM sa himpapawid.

Aniya, “Tayo ay natutuwa dahil ang isa sa mga pinagkakatiwalaang AM radio station sa Metro Manila ay magbabalik na.”

“We are bringing back a legacy of service, information, and entertainment. Nasa puso na ‘yan ng bawat Kapamilya,” dagdag pa ni Charo Santos.

Unang makakasama ng mga tsuper sa paggising sa 4 a.m. ang pambungad na programang Radyo Patrol Balita Alas Kwatro, kasama sina Robert Mano at Steve Raz, na susundan naman ng Ronda Pasada, mula 5 a.m. hanggang 6 a.m., kasama si Johnson Manabat, hatid ang traffic at weather updates.

Gigising naman sa bayan si Alvin Elchico sa Gising Pilipinas, mula 6 a.m. hanggang 7 a.m., at sa sumunod na oras, makakasama niya si Doris Bigornia sa Radyo Patrol 630 Balita. Balik tambalan naman sina Doris at Robert mula 8 a.m. hanggang 9 a.m. sa Tandem ng Bayan.

Hindi pahuhuli sina Peter Musñgi at Rica Lazo sa Balitapatan, mula 9 a.m. hanggang 10 a.m., na susundan ng pagbabalik ng isa sa pinaka-inaabangang programang Kabayan kasama si Kabayan Noli De Castro. Si Niña Corpuz naman, kasama si Migs Bustos, ang makakasama sa Nagseserbisyo Niña Corpuz mula 11 a.m. hanggang 12nn.

Tuluy-tuloy ang balitaan mula 12nn hanggang 12:30 p.m. sa Headline Ngayon kasama sina Jeff Hernaez at Rica Lazo. Magsisilbing panghimagas naman sa pananghalian ang mga kwento ng inspirasyon at pag-asa hatid ni Charo Santos sa MMK sa DZMM.

Usapang batas ang hatid ng Hello Attorney kada 1 p.m. kasama si Atty. Noel Del Prado at Lyza Aquino at usapang kalusugan ang hatid ng Aksyon Ngayon tuwing 2 p.m. kasama sina Tita Winnie Cordero at Doc Denis. Susundan naman ito ng true-to-life at lifestyle stories sa Ako ‘To, Si Tyang Amy kasama si Tyang Amy Perez tuwing 3 p.m.

Tampok naman ang mga maiinit na balita sa hapon at usapin sa bayan mula 4 p.m. hanggang 4:30 p.m. sa Headline sa Hapon, kasama si Tony Velasquez, at ATM: Ano’ng Take Mo? mula 4:30 p.m. hanngang 5:30 p.m.

Sa magkaparehong oras na 5:30 p.m. hanggang 6:30 p.m., tampok sa Isyu Spotted ang mga maiinit na usapin sa bayan, kasama sina Tony at Karmina Constantino, na mapapanood sa DZMM Teleradyo, at tampok naman sa Arangkada Balita ang mga nagbabagang balita ng oras, kasama sina Niña at Jeck Batallones, sa DZMM Radyo Patrol 630.

Mapapakinggan at mapapanood naman tuwing 6:30 p.m. hanggang 8 p.m. ang pinakamalalaking balita ng araw sa TV Patrol sa DZMM sa pagsasanib-puwersa ng primetime flagship newscast ng ABS-CBN.

Tuluy-tuloy naman kwentuhan sa pagsapit ng 8 p.m. sa Spot Report nina Jeff Caparas at Marlene Padiernos; Alam na This tuwing 9 p.m. kasama sina Papa Ahwel at DJ Jhai Ho; at ang Love Konek tuwing 10 p.m. hanggang 12mn. Sa mga puyat at night shift, si Dan Capucion ang makakasama sa pagsapit ng hatinggabi sa Remember Your Music para sa classic hit songs.

Napapakinggan ang DZMM Radyo Patrol 630 sa 630 kHz AM band, at napapanood ang DZMM Teleradyo sa Sky Cable at halos 170 pang cable providers nationwide, TFC, iWant, satellite TV, at online sa official Facebook at YouTube pages nito.

SYLVIA SANCHEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with