^

Pang Movies

DenJen, inaral ang pagpupulis!

Joe Barrameda - Pang-masa
DenJen, inaral ang pagpupulis!
Dennis Trillo
STAR/File

Walang pagdadalawang isip na tinanggap ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang bagong action light drama series nilang Sanggang Dikit FR na mapapanood na sa GMA Prime sa June 23.

Sey ni Jennylyn, “Nagustuhan ko ‘yung concept, ang tagal ko nang hindi nakakagawa. Actually first action series ko ito. Gusto kong subukan dahil gusto ko ‘yung mga challenging na mga roles.”

Bukod daw sa magandang kwento ng nasabing serye ay makakatrabaho pa raw niya ang asawang si Dennis.

Para naman sa aktor ang seryeng ito raw ang genre na hindi pa nila nagagawa.

“Medyo ma-action may light drama. Super Twins pa ‘yung huling action na ginawa namin ni Jennylyn. Nagpapasalamat kami sa aming fight director na si Michael Roy Jornales. Napakaingat niya at maalaga sa amin,” sey ni Dennis.

Nang tanungin naman si Dennis sa preparasyon sa Sanggang Dikit FR ay sinabi niyang pinaghandaan talaga nila ito.

“Meron po syempreng paghahanda kasi ang nire-represent namin dito ay buong kapulisan. Kailangan maayos na maipakita namin bago kami sumabak sa taping ay sumabak muna kami sa mga training ng firearms ng shooting.

“Kailangan ito para mas maging makatotohanan ang pagganap namin bilang mga alagad ng batas,” bahagi niya.

Tinanong naman si Dennis kung paano niya pinrotektahan ang asawa sa mga eksena lalo na sa aksyon.

“Opo syempre dito sa programa namin nagre-require na kailangan malakas ‘yung pangangatawan mo, kami ni Jennylyn minamabuti namin na maging healthy. Dinagdagan namin ‘yung mga workouts namin para hindi kami mabigla at ma-injure,” ani ng actor.

Sa tunay na buhay raw on and off cam ay talaga namang magkasanggang dikit sina Jennylyn at Dennis. Highlight daw kasi ito ng pagiging mag-asawa.

Sey pa ng aktres, “Pinili naming magsama habambuhay kahit saan kami dalhin ng buhay kailangan sanggang dikit.”

Kasama rin sa serye sina Joross Gamboa, Allen Dizon, Juancho Triviño, Liezel Lopez, Jeffrey Santos, Al Tantay, Roi Vinzon, Nova Villa at marami pang iba. Sa direksyon ni L.A. Madridejos.

DENNIS TRILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with