‘Bawal lumabas’

Kaloka, birthday ko today, pero magpapa-dialysis ako.
Apat na oras akong nakatunganga habang may nakakabit na machine para linisin ang aking dugo na marumi na. Hahaha.
Sayang, kung hindi siguro ako nagpapa-dialysis baka may blowout sa akin sila Bong Revilla at iba ko pang alaga.
Pero sadly, hindi ako pwedeng mag-skip sa dialysis, or else alam na ang mangyayari.
Hahaha.
Pero ‘wag mag-alala dahil tatanggap ako ng kahit anong regalo.
Korek, kahit nasa hospital at nagda-dialysis, welcome na welcome ang mga gustong magregalo.
Hindi naman porket hindi ako makakalabas ay hindi na ako pwedeng regaluhan?
Hay naku, 78 na ako at sa totoo lang, nakamit ko na lahat ng gusto ko sa buhay kaya wala na talaga akong kahit katiting na takot kung oras ko na.
O baka naman hindi pa ako napapatawad ng Diyos sa mga kasalanan ko kaya heto at nagdurusa ako sa pagpapa-dialysis?
Lord ikaw na lang ang bahala sa akin, kung anuman ang plano n’yo sa akin ay malugod kong tatanggapin lalo na kung bibigyan mo pa po ako ng maraming harbat.
Happy birthday to me. Hahahaha.
- Latest