^

Pang Movies

Section E, massive ang success!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Section E, massive ang success!
Andres Muhlach at Rabin ­Angeles

Tulad ng tambalan nina Heaven Peralejo at Marco Gallo na nagsimula sa hit university series na The Rain in Espana, ganundin ngayon ang nangyayari sa mga bagitong actors na sina Ashtine Olviga, Andres Muhlach, at Rabin ­Angeles, mga pa­ngunahing bituin ng hit series na Ang Mutya ng Section E na hango sa wattpad book na sinulat ni Lara Flores.

Si Direk Theodore Boborol din ang director ng hit series na Mutya ng Section E na nakatakdang magkaroon ng Greet and Fan Meet sa New Frontier Theater ngayong May 1, Thursday with an extension of May 2 at at 8 p.m.

Hindi rin halos makapaniwala sina Ashtine, Andres, at Rabin sa popularity na kanilang tinatamasa ngayon dahil sa kanilang serye on Studio Viva and Wattpad Webtoon Studios.

Proud naman ang mga parents ni Andres na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales-Muhlach dahil sa pagmamahal at suporta ng mga fans sa twin brother ni Atasha na si Andres Muhlach at sa kanilang serye.

Samantala, si Rabin ay meron nang 1.5M follo­wers sa kanyang Instagram account.

Nung January 3, 2025 lamang nagsimulang mapanood on Viva One ang Mutya ng Section E series.

Alden, matagal napahinga sa pag ho-host

Matagal-tagal na ring panahong hindi nakakapag-host ng TV show si Alden Richards na matagal na ring umalis sa longest noontime program na Eat Bulaga kung saan naging phenomenal ang naging tambalan nila ni Maine Mendoza.

Bukod sa kanyang paging singer, actor, at celebrity endorser, si Alden ay isa na ring matagumpay na negosyante at pinasok na rin nito ang pagpu-produce at pagiging director under his own Myriad Entertainment Productions.

As if these are not enough, si Alden ay mag-aaral na rin ng pagiging piloto sa Alpha Aviation School in Clark Freeport Zone in Mabalacat, Pampanga.

Kung sinuman ang magiging girlfriend and eventually ay mapapangasawa ni Alden ay napaka-suwerte dahil sa pagiging family-oriented person nito.

ANDRES MUHLACH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with