Dedma kina Frankie at Miel... KC, mas paborito ang mga kapatid kay Gabby!

Ang bongga naman ni KC Concepcion na ibinahagi ang kanyang “weekend to remember” kasama ang tatay niyang si Gabby Concepcion at mga kapatid na sina Samantha and Garie.

Tila sa property ng kanyang daddy sila nag-bonding ng mga kapatid kung saan nag-jet ski sila, kumain at nag-hang out.

“Core memories unlocked with my sisters” caption ng karelasyon ni Mike Wuthrich sa kanyang post kung saan ishinare niya ang mga litrato nila at sinabing a weekend to remember ang naganap at itinag pa ang mga kapatid sa post.

Kitang-kita ang saya ni KC nang maka-bonding ang mga kapatid dahil mukhang hindi na rin nila ito nagagawa nang madalas dahil tila mas nagtatagal siya sa abroad.

Komento nga ng netizens ay ang gaganda talaga ng magkakapatid dahil nagmana sila sa kanilang daddy Gabby.

Beautiful soul nga raw ang anak ni Sharon Cuneta kay Gabby dahil siya ang nagi­ging tulay para magkalapit sila ng mga kapatid sa ama at hinangaan ang kasimplehan nila na maririnig na nagta-Tagalog sa video habang kumakain ng ginawa ni Garie.

Bukod kina Garie at Samantha ay meron pang mga kapatid si KC kay Gabby na sina Chloe at Savannah na ka-close rin niya.

Habang may half-sisters din siya kay Sharon na sina Frankie at Miel, at unico hijo nina Sharon at Kiko Pangilinan na si Miguel.

Kaya naman iniintriga si KC na mas close sa mga kapatid kay Gabby dahil mas madalas niyang maka-bonding ang mga ito kumpara sa mga kapatid kay Sharon.

Show comments