^

Pang Movies

Bossing, magsasalita na rin?!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Vic Sotto celebrated his 69th birthday on Eat Bulaga kahapon, araw ng Sabado at kumpleto silang tatlo nina Tito Sotto at Joey de Leon along with Allan K, Jose Manalo, Wally Bayola, Pauleen Luna at Ryzza Mae Dizon although hindi namataan doon sina Ryan Agoncillo, Maine Mendoza at iba pang Dabarkads.

Nababahiran ngayon ng matinding kontro­bersiya ang Eat Bulaga dahil as early as last month (March) ay lumutang na ang mga balitang ‘takeover’ umano sa pamunuan ng TAPE, Inc., producer ng longest-running noontime show at planong pagpapatalsik umano sa TVJ (Tito, Vic, at Joey) at iba pang hosts ng programa.

Nang magpa-interview ang isa sa mga anak ng chairman ng TAPE, Inc. na si Mayor Bullet Jolosjos (ng Dapitan) at siya ngayong tumatayong CFO ng kumpanya sa programa ng King of Talk na si Boy Abunda, ang Fast Talk with Boy Abunda on GMA, pinabulaanan nito na may takeover sa kum­panya maging ang mga pagbabago sa line-up of hosts ng Eat Bulaga bagay na kinontra ng isa sa pillars ng programa, ang dating Senate President na si Tito Sotto who granted an interview with Nelson Canlas of GMA, PEP, TV5 at iba pang media entities.

Pero bukod kay Tito, ay inaasahan din ang pagsasalita nina Vic at Joey maging ang dating President at CEO na si Mr. T. (Tony Tuviera) para siyang magbigay linaw ng lahat ng mga pangyayari na bumabalot ngayon sa kum­panya at sa programang magsi-celebrate ng kanilang ika-44th anniversary sa darating na July 30.

Ate Vi, lagare sa binyag ng apo at parangal...

Isa nang ganap na Kristiyano ang four-month-old baby ng celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola na si Isabelle Rose or Baby Peanut matapos itong binyagan nung nakaraang April 23, 2023. Bukod sa godparents at mga bisita, present ang estranged parents ni Luis na sina Vilma Santos-Recto at Edu Manzano. Naroon din ang mister ngayon ng Star for All Seasons na si Rep. Ralph Recto at anak nilang si Christian, ang half-brother ni Luis (sa mother side).

Nakakatuwang tingnan in one frame na magkasama ang mag-asawang Luis at Jessy with Baby Peanut,  ang mag-asawang Vi at Cong. Ralph kasama ang anak na si Christian together with Edu.

Kahit matagal nang hiwalay sina Vi at Edu ay nanatili silang magkaibigan gayundin sina Cong. Ralph at Edu.

Pagkagaling sa baptism ni Baby Peanut ay tumuloy si Vi sa grand ballroom ng Seda Hotel ng Vertis North in Quezon City kung saan naman niya tinanggap ang Lifetime Achievement Award mula sa Parangal ng Sining ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Boyet din mismo ang nag-present.

Kung magkasama sina Vi at Ralph with son Christian sa binyag ni Baby Peanut kung saan naroon din ang ex-husband ni Vi na si Edu, nagkasama naman sina Vi at isa pang ex-wife ni Edu na si Maricel Soriano sa Parangal ng Sining ng FDCP. Magkaibigan din sina Vi at Maricel na napakaganda ng gabing ‘yon.  Of course, hindi rin exception ang dalawang exes ng superstar na si Nora Aunor na sina Tirso Cruz III at Christopher de Leon na mag-best friends ngayon.

Si Pip (Tirso Cruz III) ang kasalukuyang chairman ng FDCP habang si Boyet naman ang nagpakilala at nag-present ng Lifetime Achievement Award ni Vi.

vuukle comment

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with