Jak, sabik na ulit sa aksyon

Jak

Excited sa big scenes sa bago niyang pagbibidahan na teleserye si Jak Roberto.
Ayon sa Sparkle hunk, matutupad daw ang hiling niya noon pa na magkaroon ng project kunsaan may mga action na eksena sa teleserye na The Missing Husband.

Sey niya: “Matagal ko nang gusto talagang gumawa ng aksyon ulit. Sunud-sunod kasi ang mga drama na ginawa natin last year. Para maiba naman ‘di ba? Kakaiba rin ang role ko dito kaya sobra akong nae-excite.”

Ikinatuwa rin si Jak na makakatrabaho sa teleserye ang cast na first time niyang makakatrabaho lahat.

“Halos lahat yata ngayon first time ko lang makakatrabaho sa teleserye. Maganda rin na mga bagong actors and actresses ang makakasama natin. New experience ito para sa aming lahat,” sey ni Jak na ang co-stars ay sina Yasmien Kurdi, Rocco Nacino, Joross Gamboa, Nadine Samonte, at Sophie Albert.

Huling napanood si Jak sa Bolera kunsaan nagpakita siya ng husay sa pag-arte at nakipagsabayan siya sa husay din nila Kylie Padilla, Gardo Verzosa, at Jaclyn Jose.

Jeniffer Maravilla, may kakaibang dating ang bagong kanta

Happy ang Sparkle artist at The Clash Season 2 contestant na si Jeniffer Maravilla dahil umakyat agad sa #2 spot ng iTunes Philippines ang debut single niya under GMA Playlist na Alimuom.

Maituturing nga ni Jeniffer na first single niya ang Alimuom kahit na inawit niya noon ang theme songs ng mga GMA teleserye na The Lost Recipe at Raising Mamay. May kakaiba raw na dating ang musika ng Alimuom kaya ito ang napili niya sa songs na pinarinig sa kanya.

“Ang Alimuom, kasi ‘yun ‘yung umuusbong after the rain, it symbolizes rain. Nung pinarinig sa akin ‘yung demo ng song, na-feel ko sobrang unique ng kanta na ito. Ang timely niya rin sa nagdaan na pandemic, despite all the hardships at the end of the day, sa mga tao hindi nawawala ‘yung pagiging hopeful.

“At very original ang song na ito. Ang ganda kung nakakarinig tayo sa radyo ng mga tunog at instrumental na sariling atin. Na-enjoy ko ‘yung process ng paggawa ng song na ito. Sobrang grateful ako sa aking Playlist family kasi sumugal sila sa akin para sa ganitong klaseng music,” sey pa niya.

Bukod sa pagiging biritera, paminsan-minsan ay umaarte sa teleserye si Jeniffer. Huli siyang napanood bilang si Sinang sa Maria Clara At Ibarra. Gumanap din siyang best friend ni Heart Evangelista sa I Left My Heart In Sorsogon.

High School Musical star Vanessa Hudgens, engaged na sa baseball player

Engaged na ang High School Musical star na si Vanessa Hudgens sa Major League Baseball player na si Cole Tucker.

Kinumpirma ito ni Hudgens sa kanyang post sa Instagram kunsaan suot niya ang diamond engagement ring na bigay ni Tucker after nitong mag-propose sa Paris.

“YES. We couldn’t be happier,” caption pa ni Hudgens.

Since 2020 pa may relasyon sina Vanessa at Cole. Si Cole ay isang professional baseball shortstop and outfielder for the Colorado Rockies. Nag-debut siya bilang Major League Baseball player with the Pittsburgh Pirates in 2019.

Si Vanessa ay sumikat dahil sa role niya as Gabriella Montez sa hit Disney Channel Original Movie na High School Musical in 2006. Nagkaroon pa ito ng two sequels: High School Musical 2 (2007) and High School Musical : Senior Year (2008).

Limang taon niyang nakarelasyon ang leading man niya sa High School Musical na si Zac Efron. Eight years naman sila ng Elvis star at Oscar best actor nominee na si Austin Butler.

Show comments