^

Pang Movies

‘Mahirap maka-move on’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
�Mahirap maka-move on�
Startalk

Hindi ako makamove-on hanggang kahapon. Talagang ang sarap sanang mag-reminisce ng mga nakaraan nang buo pa rin sana ang barkada.

Tulad nating lahat na siyempre masarap balikan ‘yung trips natin Salve nila Isah Red.

Pero parang sa a­ming mga taga-Startalk, nabawasan na rin ang barkada natin.

Talaga sigurong ganun ang buhay, tanggapin natin lahat ng pangyayari na hindi lahat ng maraming magagandang bagay ay pang-forever.

‘Yung saya may lungkot din. Kaya dapat practical tayo, tanggapin na lang ang anumang dumating. Kung ano ang gusto ni God, tanggapin natin. Iyan lang ang puwede nating gawin sa buhay natin. Que sera, sera, whatever will be, will be.

Kaya kung anong darating at dumating, tanggapin lang natin. Iyon lang ang puwede nating gawin, no more, no less.

Kaya ngayon lang ako na-sad nang sobra mula nang mag-dialysis ako kasi nga pumapasok sa isip ko si Archie Riola na tumawag sa akin nang mabalitaan niya na nagda-dialysis ako. Alalang-alala siya sa akin at talagang panay ang bilin na mag-ingat ako.

Nag-promise siya na iluluto ako ng bikol express. Nakaka-sad kasi nga parang naririnig mo pa ang boses niya.

Ngayon, nauna pa siya sa akin.

Napakabilis ng buhay. Totoo na enjoy every minute ng buhay mo.

vuukle comment

STARTALK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with