Female star, nirarampa ang jowang negosyante na pamilyado

Pamilyado na pala ang isang kilalang negosyante na karelasyon ngayon ang isang kilala ring female star.

Eh sa isang event, walang takot na idinispley nila ang kanilang relasyon, huh! Nagulat na lang ang may kakilala sa negosyante.

Kinumpirma rin ng isang malapit sa businessman na isang taon na ang relasyon ng dalawa. Pero sa isang umpukan, bakit daw masyadong open sa publiko ang dalawa gayung may asawa’t mga anak ito.

Matagal bago naging open ang female star sa karelasyon niya dahil nung bago pa lang siya sa showbiz eh may mga isyu nang kinasangkutan niya kasama ang umano’y dati niyang nakarelasyon.

Running Man PH, darayo sa mga mall

Binuhay muli ng Kapuso Network ang promotions ng series nila sa mga mall kaya naman tuwang-tuwa ang mga fan dahil nasilayan nilang muli ang mga GMA artist!

Sinimulan ng GMA artists ang lumibot sa mga probinsiya upang paligayahin ang mga fan sa probinsiya gaya sa Cebu, Davao City, Cagayan de Oro City at General Santos City.

This time, ang mallgoers sa Metro Manila ang bibigyan ng kasiyahan ng stars ng Running Man PH. Ngayong hapon ay nasa Atrium ng Robinson’s Manila ang cast ng Running Man PH, 4-6 p.m.

Paalala ng GMA, bukas ito sa fully-vaccinated patrons, 18 years old pataas ang edad.

Show comments