^

Pang Movies

Ynna, buntis din

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Tuluy-tuloy ang celebrity baby boom sa taong ito.

Marami-rami na ring celebrities ang nakapagsilang this year at kasama rito sina Angeline Quinto, Rich Asuncion, Jade Lopez, Jennylyn Mercado, Kryz Uy, Dionne Monsanto, Winwyn Marquez at Kitkat.  In a couple of months ay nakatakda na ring magsilang sa kanilang respective first babies sina Angelica Panganiban at Ynna Asistio kasunod sina Solenn Heussaff, Jessy Mendiola at Iza Calzado.

On her 40th birthday last Aug. 12 ay ibinahagi ng aktres na si Iza Calzado ang maituturing niyang miracle na pagbubuntis courtesy of her husband of almost four years, ang Fil-Brit na si Ben Wintle.

Sina Iza at Ben ay ikinasal sa Club Paradise in Coron, Palawan nung Dec. 18, 2018 matapos ang kanilang mahabang relasyon bilang magkasintahan.

Nung Aug. 11 ay ibinahagi naman ni Jessy ang kanyang pagbubuntis sa kanyang video blog. Ang kanyang dinadala ngayon ay first baby nila ng kanyang husband of over one year na si Luis Manzano. Ang couple ay ikinasal sa isang intimate wedding ceremony sa Lipa City, Batangas nung February 2021 matapos ang kanilang mahigit apat na taong relasyon.

Masayang-masaya ang estranged parents ni Luis na sina Vilma Santos-Recto at Edu Manzano dahil sa wakas ay magkakaroon na rin sila ng apo sa kanilang panganay na anak.

Tulad nina Iza at Jessy, first babies din ang nakatakdang isilang nina Angelica Panganiban at Ynna Asistio.

Tinutukan...

Tiyak na nakakaramdam ngayon ng sepanx (separation anxiety) ang bumuo ng top-rating and longest-running action-drama series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinangunahan, pinagbidahan ni Coco Martin na siya ring tumayong creative head at isa sa mga director ng serye na nagtapos after seven years nung nakaraang Biyernes, Aug. 12, na umabot sa all-time high ang ratings nito sa Kapamilya Online Live na umabot ng 536,543 bukod pa sa free TV airing nito sa TV5 and A2Z networks at iba pang plataporma.

Gumawa si Coco at ang FPJ’s Ang Probinsyano ng kasaysayan sa telebisyon dahil bukod sa consistent ang pagiging top-rater ng serye ay umabot din ito ng pitong taon.

Pero kahit tapos na ang serye, patuloy pa rin ang FPJ’s Ang Probin­syano team sa kanilang Pasasalamat Tour sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Lumulutang ang pelikulang Batang Quiapo na interesado umanong gawing serye ni Coco.

Ang namayapang movie king na si Fernando Poe, Jr. ay idolo ni Coco kay magpapatuloy ang kanyang pagbibigay-pugay sa kanyang tiniti­ngala at hinahangaang actor-director at producer na siya niyang inspirasyon at sinusundan.

AJ at kapatid, nagsama sa pelikula

Kakaiba si Direk Roman Perez dahil hindi lamang siya umaasa sa mga bihasa at kilala nang actors para maging bahagi ng kanyang dinidirek na pelikula kundi handa rin siya magbigay ng break sa mga baguhan na nagmumula sa ibang field tulad ng hip-hop o pagra-rap.

Sa pelikulang Sitio Diablo kung saan tampok sina AJ Raval, Joko Diaz, Kiko Estrada at Benz Sangalang,  apat na kilalang rap artists ang kanyang ginawang actor sa nasabing pelikula at kasama rito ang elder brother ni AJ na si Ace Raval, si Pio Balbuena, BCoz at Cean, Jr. who are debuting (except for Pio) bilang actor sa nasabing pelikula.

Ang Sitio Diablo ay nakatakdang ipalabas on streaming app on Vivamax sa darating na Aug. 26.

YNNA ASISTIO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with