^

Pang Movies

Sanya, walang pahinga   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Sanya, walang pahinga                
Sanya

Wala yata sa vocabulary ni Kapuso actress Sanya Lopez ang word na ‘pahinga,’

After ng successful airing ng primetime series niyang First Lady, very visible na siya sa Kapuso shows, All-Out Sundays, na ipinakilala na siyang isang recording artist.  Last July 15, ni-release ng GMA Music ang first single niyang Hot Maria Clara na tungkol sa modern Filipina empowerment.

Hindi bago kay Sanya ang pagkanta dahil isa siya sa talents noon ni Kuya Germs (German Moreno) sa programa nitong Walang Tulugan, at naririnig na noon ang maganda niyang boses. 

Nag-debut agad ang single niya sa #3 spot sa iTunes chart at sa Spotify’s Fresh Finds Philippine playlist.

Napapanood din ito sa lahat ng digital streaming platforms worldwide at ang music video sa YouTube channel ng GMA Music.

After this, alin kaya ang mauunang gawin ni Sanya sa GMA, ang bagong season ng First Lady o ang epic serye na Sang’gre?

Japanese creator, nakatutok sa Voltes V ng GMA

Magiging early 2023 offering ng GMA Network ang live-action anime adaptation ng Voltes V: Legacy at inamin nga ito ni Direk Mark Reyes nang makausap siya sa katatapos na Toycon Philippines na dinaluhan nila at nagkaroon ng fan meet and greet at panel interview ang mga Sparkle Artists na sina Ysabel Ortega, Radson Flores, Raphael Landicho at Matt Lozano.

Say ni Direk Mark: “The level of expectation is really scary for us but I guarantee you that GMA spared no expense in producing the series. Pinag­husayan po naming lahat ang paggawa ng itinuturing na first serious epic sci-fi TV show, sa kabila ng mga pagsubok at limitasyon bunsod ng pandemya.”

Ang Voltes V: Legacy ay produced ng GMA Entertainment Group, sa ilalim ng panulat ni Suzette Doctolero. Lahat ng materials ay approved by the Japanese creator na Toei Company at ng Philippine licensing agent nito na Telesuccess Productions, Inc.

Meanwhile, habang ginagawa ng new Sparkle love team nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, ang Voltes V: Legacy, nakatapos din sila ng isang rom-com series, ang What We Could Be, na ipapalit ­sa GMA primetime series na Love You Stranger nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos na napapanood gabi-gabi, after Bolera sa GMA 7.

vuukle comment

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with