^

Pang Movies

Dawn, mas lalong gumanda  

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Dawn, mas lalong gumanda             

Ang ganda ng puwestong naghihintay sa asawa ni Dawn Zulueta sa papasok na administrasyon sa pangunguna ni President Bongbong Marcos.

Si Anton Lagdameo ang itinalaga bilang Special Assistant to the President (SAP).

At wala ba kayong napansin, ang laki ng iginanda ni Dawn! Na, kung sabagay, ay dating maganda na.

Magaling ding aktres si Dawn, na sabay napanalunan ang 1992 best actress at best supporting actress mula sa FAMAS.

Ang FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) ang isa sa itinuturing na prestigious awards giving body, noon.  Dawn is now 53 years old.

anak nina sharon at kiko, mas gustong maging malinaw ang gender

O, hayan, pumalag na ang anak nina Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan na si Miel sa kumakalat na balitang isa siyang lesbian.

Na kung sabagay, ayon kay Sharon, anumang gender meron ka, it is still a gift from God.

But as Miel said, mabuti nang linawin ang isang bagay na ‘di totoo. Lalo’t may kinalaman sa personal identity ng nilalang.

Basta binanggit n’ya lang daw na queer  siya.

Ganun lang.  Miel is only 17 years old.

Sharon at regine, tuloy ang concert sa America

Of Sharon, limitless ang paghangang natanggap nila ni Regine Velasquez sa katatapos nilang Iconic concert na ginanap sa Marriot Hotel.

Sa nabanggit na concert din ini-reveal ni Sharon na back na muli siya sa top action series, yes, Ang Probinsyano, topbill we all know, by Coco Martin.

From Sharon muli, asahan din daw natin ang concert series na tatampukan pa nila ni Regine sa iba’t ibang lugar sa Amerika.

Well, good luck and more power to both of you, Sharon and Regine.

Voters, may wish kay Robin

At the concert nina Sharon at Regine sa Marriot Grand Ballroom, prominente ang presence ni Robin Padilla, na nakatanggap ng pinakamataas na boto bilang Senador noong nakaraang election.

Wish daw ni Senator Robin, makagawa sila ng movie ni Sharon, na ilang beses na rin niyang nakasama sa pelikula. But wish ng mga bomoto kay Robin, magpakitang gilas muna siya sa Senado bago ulit mag-pelikula.

Paunine, excited sa ngayon...

To the max, Salve A., ang saya ng fans pag uma­ming mag-syota na sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.

Lalo’t ang ganda this early ng feedback tungkol sa project nilang Ngayon Kaya, na nakatakdang magbukas sa mga sinehan sa June 22, Wednesday.

Sure kaming panonoorin ito.

Promise, kahit magbayad pa kami.

Kita tayo, Salve A., gusto mo? (Wow. Lezgo tita. Kita tayo. Miss ka na namin. - Salve)

vuukle comment

DAWN ZULUETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with