^

Pang Movies

Kim ayaw pang magdyowa

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kim ayaw pang magdyowa
Kim

Tanong ng mga nakabasa sa post ni Kim Domingo sa Instagram na “I’m in a relationship with no one but myself,” kung reaction ba niya ito sa isyu sa kanila ni Joshua Garcia?

Sabagay, ang intriga naman ay nililigawan pa lang siya ng Kapa­milya actor, hindi pa sila at wala pa silang relasyon.

Pero sa post na ‘yun ni Kim, kahit yata mag-entertain ng suitors ay ayaw muna nito at nag-agree nga sa nag-comment na “self care” at “self love” muna ang unahin niya,

Again, hindi lumaki ang ligawan isyu sa kanila ni Joshua.

Benjamin, may kasunod agad na trabaho

Ang suwerte ni Benjamin Alves dahil katatapos lang ng rom-com series na Owe My Love kung saan, nakapareha niya si Lovi Poe, may kasunod agad siyang project sa GMA 7. Siya ang pumalit kay Rocco Nacino na maging isa sa mga bida ng Afternoon Prime na Artikulo 247.

Kaya, pagkatapos makatambal si Lovi, si Rhian Ramos naman ang makakapareha niya sa bagong teleserye at makakasama sina Jackie Rice at Mark Herras. Si Jorron Monroy ang director nito na director ng hindi pa umeere na Ang Dalawang Ikaw.

Nagkaroon na ng virtual storycon ang Artikulo 247 na mukhang tungkol sa batas. Present si Rhian sa storycon, hindi pa pala sila nakakalipad pa-Paris ni Dra. Vicki Belo para sa photoshoot for Belo Medical.

Napalitan si Rocco dahil inilipat sa To Have and To Hold na originally ang male lead ay si Derek Ramsay, pero nag-beg off ito, kaya kinailangang palitan ni Rocco. Ayun, si Rocco ang nag-e-enjoy sa lock-in taping kasama sina Carla Abellana at Max Collins.

Iya, nireklamuhan ng mga gustong magpabakuna

Kabilang ang mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano sa nabakunahan na sa A4 category at ni-represent nila ang entertainment industry.

Sa SM Mall of Asia nabakunahan ang mag-asawa na February pa pala nagpa-schedule, pero June na nang mabakunahan.

May mahabang IG post si Iya after ng bakuna sa kanila ni Drew at binanggit nitong excited siya na maging part ng A4 category vaccination program.“Very timely for me now that work is starting to take me outside of my home. This is it guys! If you are that essential worker in your home that needs to leave the house to provide, now is your chance to get protected! Do it for yourself, your family and for the nation. Each person vaccinated is a step closer to us achieving herd immunity and a chance to get our old norm back!”

Paalala pa ni Iya, ‘wag maging choosy at sila ni Drew, happy na mabakunahan ng Sinovac. In-encourage ni Iya na mag-register na sa LGU ang hindi pa nababakunahan.

Kaya lang, sa nabasa naming comments, marami ang gustong magpabakuna na, pero hanggang ngayon hindi pa sila natatawagan.

May senior citizens pa nga at nagsumbong kay Iya na April pa sila waiting na mabakunahan. Pero, may mga ayaw talagang magpabakuna at tinawag pang “untested vaccines” ang mga itinuturok.

Sirkus, eere uli

Muling mapapanood ang hit fantasy-series na Sirkus simula June 13, 5:20 p.m., kaya sa hindi nasubaybayan ang series, may chance na kayong matutukan ito. Prodyus ito ng GMA Public Affairs sa direction ni Zig Dulay. Tampok sa Sirkus sina Mikoy Morales at Mikee Quintos gumaganap na fraternal twins. Narito rin sina Zoren Legaspi at Angelu de Leon as the twins parents, Gardo Versoza, Andre Paras, Chariz Solomon, Klea Pineda at Cherie Gil bilang ang kontrabidang si La Ora.

Umani ng papuri ang fantasy series nang unang umere at kinagiliwan ang cinematography, effects at ang kakaibang concept.

vuukle comment

KIM DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with