_pang-masa
^
Ate Vi nag-react sa mga papuri ng frontliners
Ate Vi

Ate Vi nag-react sa mga papuri ng frontliners

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - August 9, 2020 - 12:00am

Pinapurihan muli si Congresswoman Vilma Santos-Recto nang hinandugan niya ng maiksing sayaw ang mga frontliner at health workers para sa kanila bilang pagsaludo sa mga sakripisyo kaugnay sa mga may sakit na COVID-19.

Hiningan namin ng reaksyon si Cong. Ate Vi sa mga papuring natanggap niya.

Sa text na ipinadala sa amin ni Ate Vi, “Mula umpisa sobra na ang paghanga at pasasalamat ko sa mga frontliners!!!

“Imagine…lahat ng tao takot na takot sa Covid pero sila sinusugal ang buhay nila para makatulong at mailigtas ang mga nagkakasakit!

“Takot din sila pero tinututupad ang sinumpaang trabaho!!!

“Kaya kami ni Ralph kung ano ang tulong na kailangan nila ay pinipilit din naming gampanan!

“Bukod sa pangangailangan nilang gamit ppes, food, etc. ay ginagawan namin ng paraan at kailangan nilang BENIPISYO AT SWELDO!!!

“Kailangan mabigyan ng PRIORIDAD!!!

“Tulad din sa ating mga Guro!!!

“May mga panukala diyan na naka submit na sa Kongreso pero hindi pa nabibigyan ng panahon!!

COVID-19 VILMA SANTOS-RECTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with