Vicky, susubukan uling maging fairy
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - July 8, 2020 - 12:00am

Nagsisimula nang mag-taping ng paisa-isang fresh episodes ng mga programa nila ang GMA Network kasama na rito ang nagbabalik na Wish Ko Lang.

Masasabing napapanahon ang comeback ng afternoon public affairs program nila dahil sa ilang buwan na rin nating pakikipagbuno sa COVID-19, at ito ang programang puwedeng magbigay ng pag-asa at inspirasyon na hinahanap ngayon ng mga manonood.

Muli ngang makakasama ang itinu­ring na fairy godmother ng show na si Vicky Morales.

Tiyak na maraming magiging curious kung paano gagawin ng programa ang pagbibigay ng wish ng mga taong humihingi ng tulong sa kanila.

Ipinatutupad pa rin kasi ang social at physical distancing at pinagbabawalan pa rin ang mass gathering na madalas ay napapanood natin sa mga past episodes ng programa.

Pero sabi nga sa theme song ng Wish Ko Lang, ‘walang imposible.’  

Mapapanood na uli ito simula Saturday, July 11 pagkatapos ng Tadhana ni Marian Rivera.

Solenn walang effort sa pagpayat pagkapanganak

Nag-viral ang Instagram post ni Solenn Heussaff na kinunan sa isang beach, magkasama sila ng husband na si Nico Bolzico at ang baby girl nilang si Thaylane. Caption ni Solenn “first sunset. I love you two @nicobolzico.” Pero hindi lamang ang pose nilang tatlo ang pinag-usapan, kundi ang beautiful figure ni Solenn, kaya may nagsabing ‘nasaan ang hustisya?’ dahil ilang buwan pa lamang nagsilang ang Kapuso actress pero ang sexy na niya at hindi mo mababakas na nagbuntis siya, ayon kina Anne Curtis, Carla Abellana, Iza Calzado, Michelle Dee, Alessandra de Rossi, Iya Villania, Ylona Garcia, Karen Davila, Yassi Pressman at marami pang iba.

Wala raw namang ginawa si Solenn para bumalik ang maganda niyang katawan, maliban sa personal nilang pag-aalaga ni Nico sa baby nila, ibinalik niya ang kanyang pagpipinta #SolennArt, na parang may isang mural siyang ginagawa ngayon.

Sabik na ring bumalik sa trabaho si Solenn, at mag-taping ng fresh episodes ng Taste Buddies na kasama niya si Gil Cuerva.

VICKY MORALES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with