Ate Vi pinasalamatan
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - July 8, 2020 - 12:00am

All-out pa rin ang suporta ni Batangas 6th district Representative Vilma Santos sa ABS-CBN kaya naman labis ang pasasalamat ng mga Kapamilya stars and employees sa kanya.

The Stars for All Seasons even made an appeal to all her fellow-congressmen na ipasa ang panukala na mabigyan ng bagong prangkisa ang network. Ipinost ni ate Vi sa sa kanyang Instagram account ang kanyang appeal last Monday.

“Bilang may akda ng House Bill 4305, isa sa mga panukala sa muling pagbigay ng prankisa sa ABS-CBN, ako po ay umaapela sa aking mga kasamahan sa Committee on Legislative Franchises na magkaroon ng malawak na pang-unawa at pag-iisip tungkol sa usaping ito.

“Nawa’y patas na aplikasyon ng batas, at balanseng pagtingin at pagsusuri, ang magiging sandigan natin sa paggawa ng desisyon.

“Narinig natin ang pahayag ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na walang nilabag na batas o regulasyon ang ABS-CBN. Panghawakan din natin and sinabi ni Ginoong Carlo Katigbak, na ‘Patuloy kaming magsusumikap na maging mas mabuting kumpanya…’

“Hindi din natin pwedeng isawalang-bahala ang mahigit na animnapu’t limang taon na serbisyo publiko ng kumpanyang ito. Sakop dito ang pagbibigay ng balita’t impormasyon, edukasyon pang telebisyon, entertainment o libangan, pag-alaga ng kalikasan, at higit sa lahat, ang pagbibigay tulong sa kapwa, may sakuna man o wala, sa pamamagitan ng Sagip Kapamilya at Bantay Bata.

“Ako po ay isa sa mga naniniwala na karapat-dapat na mabigyan muli ng pagkakataon ang ABS-CBN na ipagpatuloy ang serbisyo sa mamamayang Pilipino lalo na sa panahon ng pandemya. Kailangan natin ang tulong nila,” ang bahagi ng mensahe ng nanay ni Luis Manzano.

VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with