Matteo ‘laspag’ sa pagba-bike!

Nagso-solo tuwing tumatakbo si Matteo Guidicelli sa kanyang threadmill or bike session.

Kaya naman hinahanap ng ibang followers ang misis niyang si Sarah Geronimo at ang request nila ay magsama sila sa pag-e-exercise.

Pero ang laging visible at pini-flex ng actor ay wedding ring nilang mag-asawa.

Kahapon ay laspag daw siya sa kanyang bike

“Stay active and healthy everyone! Long bike session this am. Now I am “laspag.” God bless you all. Good morning!”

As usual may ilang nagbigay ng naughty meaning sa laspag. May ilang malisyoso rin na pag naka-cycling short siya ay pilit na ginagawan ng issue ang kanyang bukol.

Meron ding mga pumuna sa hot pink towel and shoes ng actor na lagi niyang suot tuwing mag-e-exercise.

Kusang nag-die down ang controversy sa kasal nila ni Sarah na naging isang malaking issue nang sumugod si Mommy Divine ni Sarah kung saan nagaganap ang kasalan dahil wala raw itong kaalam-alam.

Show comments