_pang-masa
^

Pang Movies

FPJ classics walang katumbas

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
FPJ classics walang katumbas
FPJ

Promise, mapupuyat ka sa mga palabas na old movies sa C1 Originals.

Mapapakawalan mo ba naman ang mga classic na pelikula tulad ng kay Fernando Poe, Jr.? No way! Lahat ng pelikula niya ay mapapatalon ka dahil sa kakaibang aksyon nito.

Kesehodang mapuyat, e, bawal sa akin dahil nagpapagaling pa ako sa aking sakit pero tinapos ko pa rin. Sa pelikulang Aguila, na-miss ko yung sunud-sunod na suntok na pinakakawalan sa kanyang kalaban. Medyo may pagka-drama ang tema nito.

Anyway, kahit ano pa ang role mo, lodi pa rin kita.

San ka man naroon alam naming happy ka dahil kasama mo na si Papa God. 

Pres. Duterte may mapagpatawad na puso

Tutal ay tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sorry ng ABS-CBN, sana ay lumambot na ang puso niya.

Idol ko rin naman siya dahil sa kanyang katapangan pero may malambot naman palang kalooban.

Sa kasong may kinalaman sa ABS-CBN, well, mga ka-friendship ko rin halos ang karamihan kaya medyo stressful din talaga sa ating lahat ang mga nangyayaring ito.

Basta wait na lang tayo kung ano ang magiging kaganapan.

Dahil tinatalakay na sa Senado at di pa rin natin alam kung ano na ba ang status. Di naman tayo puwedeng manghula. At ang sabi ay muling tatalakayin pa, wait na lang tayo. Prayers are powerful at nawa’y gabayan tayong lahat ng Poong Bathala. In Jesus name, Amen! 

Isabel Rivas sa TV lang maldita!

Maiinis ka kay Isabel Rivas, napakamaldita niya sa TV series na pinagbibidahan ni Nora Aunor, ang Bilangin Ang Mga Bituin Sa Langit sa Kapuso network.

Buti na lang hindi ako gaanong naaapektuhan dito dahil alam kong acting lang naman ito.

Pero bigla akong naapektuhan nung isang araw dahil bigla-biglang nagpadala ng datung na help daw for my medication thru Linda Rapadas.

Siyempre sobrang touch ako at hindi ko expected at talagang nasorpresa ako. E, sabi ko nga, pinapanood ko lang si Isabel Rivas tapos maya-maya magkausap na kami ni Linda at sabi ay may pinabibigay si Isabel Rivas. Nalokah ako haha.

Well, tama talaga ako ‘di ba? Kontrabida man ang role niya, pero in real life napakabuting tao. Thanks Isabel! Hope to see you soon! God bless you. 

 

FPJ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with