^

Pang Movies

Jillian, Sofia at Althea ayaw tigilan sa DNA test

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Jillian, Sofia at Althea ayaw tigilan sa DNA test

Nakakatuwa ang avid fans na sumusubaybay sa GMA Afternoon Prime drama series na Prima Donnas. 

Last Monday, January 6, nag-declare sila ng ‘National Prima Donnas Day’ at dahil may schools pang walang pasok, inabangan nila ang Prima Donnas na napapanood tuwing 3:30PM sa GMA-7, after ng Magkaagaw.

Matagal na kasing hinihintay ng fans at netizens kung kailan malalaman ang result ng DNA tests ng tatlong Donnas na ginagampanan nina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo. Ang triplets ay tunay na mga anak ni Jaime (Wendell Ramos) na isinilang ng surrogate mother nilang si Lillian (Katrina Halili). 

Nakausap namin sina Jillian, Althea at Sofia nang mag-promote sila ng Prima Donnas sa All-Out Sundays, ang bagong Sunday noontime show ng GMA-7, at inamin nilang malalaman na nga raw ang official results ng DNA tests nila.

Ang ibang netizens, nagpasalamat na natapos na rin ang paghihirap ng Donnas at ni Lillian. Sila rin daw ang napapagod para sa kanila tuwing may hindi magandang nangyayari sa kanila.

JD Domagoso marunong nang sumagot

Kinagiliwan ng mga press si JD Domagoso, anak ni Manila Ma­yor Isko Moreno na sinundan na rin ang yapak ng ama sa pag-aartista. Nasa GMA Network na si JD at isa sa mainstays ng All-Out Sundays. 

During the show, kitang-kita ang pagiging energetic ni JD, pero ang napansin talaga sa kanya, nang naghihintay sila ng kapwa Kapuso stars sa finale, at may mga kumakanta pa, sinasabayan niya iyon, wala siyang pakialam kung anu-ano ang inaarte niya, kumakanta, sumasayaw.

Kaya nang makausap siya after the show, ganoon daw siya, hindi siya mapakali na basta nakatayo lamang, mahilig daw siyang sabayan ang mga nagpe-perform, pero iyong hindi siya nakikita, para hindi siya makais­torbo. At sa interview, sinagot lahat ni JD ang mga tanong sa kanya. Mana raw ba sa tatay, na mahusay ding sumagot?

vuukle comment

PRIMA DONNAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with