_pang-masa
^

Pang Movies

MMFF masasagasaan ng Star Wars

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kasunod na kasunod ng Metro Manila Film Festival, ilalabas pala ang latest edition ng Star Wars. Ang trailer nakikita na sa malala­king TV screens sa may sinehan. Tiyak iyan panahon ng festival, ilalabas sa sinehan ang trailer ng pelikulang iyan. Tiyak din iyan, affected ang mga festival entries, iyon lang talagang malalakas ang makakakuha ng extended playdate sa mga sinehan dahil papasok nga ang Star Wars.

Ang Star Wars, hindi natin maikakaila na may sariling audience ang ser­yeng iyan sa Pilipinas. Iyong mga nakapanood na ng mga naunang pelikula tiyak na manonood ng bago dahil magkakaugnay ang istorya niyan eh.

Malalaman natin ang talagang epekto basta nariyan na. Iyan ang masakit ngayon, naipit ng mga malalaking pelikulang Ingles ang festival.

John Lloyd winakasan na ang ermitanyo look!

Mukhang nagiging visible na ngang masyado ngayon si John Lloyd Cruz, at nang makita namin ang ilang pictures niya kung saan nagpunta siya sa Japan para mag-attend ng kasal ni Vhong Navarro, aba ang hitsura niya ay kagaya na noong bago siya nagbakasyon.

Mukhang hindi man lang tumanda si John Lloyd. Malakas ang kutob namin sa isang araw nga ay magugulat na lang tayo na may sinisimulan nang project si John Lloyd at nagbabalik-pelikula na siya.

METRO MANILA FILM FESTIVAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with