Toni mag-aaral sa Harvard
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - September 8, 2019 - 12:00am

Kahapon umalis pa-Amerika si Toni Gonzaga kasama ang mister na si Direk Paul Soriano at anak na si Seve dahil papunta siya sa Harvard Extension School para mag-aral ng Professional Development for Marketing Strategy.

Pinasalamatan nga ni Toni si Direk Lauren Dyogi dahil pinayagan daw siya na hindi mag-attend ng ABS-CBN Ball 2019 on Saturday (sa Shangri-La The Fort) dahil nga sa pag-aaral niya sa Harvard.

Kasamang umalis ni Toni ang mag-asawang Drs. Hayden and Vicki (Belo) Kho, pati si Garlic Garcia (dating writer ng ASAP) na mag-aaral din sa Harvard Extension School for Professional Development for Marketing Strategy.

Noong nasa lounge sila, nakunan ni Garlic ng video ang pagtalon ni Seve from the center table papunta sa chair at ang reaction ni Toni ay ‘yon daw ang “death defying stunts” ng kanyang anak at everyday ‘yon kaya palagi raw siyang parang maha-heart attack.

“Everyday, ‘yan palagi ang life ko,” sey ni Toni sa video na kinunan ni Garlic.

Kuwento ni Garlic, sa Boston daw muna sila para mag-aral nga sa Harvard at after at pupunta sila ng New York City at kasama pa rin si Toni at ang mag-ama nito.

Hindi lang nalinaw ni Garlic kung hanggang kailan si Toni at ang pamilya nito sa Amerika dahil nag-board na sila sa connecting flight nila from Hong Kong to Boston.

Jeric at Jeron nag-bonding

Ang bonding time ng magkapatid na basketball players na sina Jeric and Jeron Teng sa Power Plant Mall sa Rockwell, Makati kahapon.

Day off ni Jeron kahapon sa PBA Alaska team niya at galing naman sa practice ng Pasig Sta. Lucia Realtors MPBL team niya si Jeric, kaya naisipan nilang mag-mall kasama ang kanilang parents na sina Alvin at Susan Teng, pati ang ateng si Alyssa.

Nasa bakasyon sa Italy ang girlfriend ni Jeron na si Jeanine Tsoi (courtside reporter sa ABS-CBN Sports + Action), pero bago umalis ang dalaga, nag-celebrate muna sila ng 3rd anniversary.

Marami ang humuhulang mauuwi sa kasalan ang relasyon nina Jeron at Jeanine dahil very vocal naman sila sa pagmamahal sa isa’t isa.

Si Jeric, ang alam ko ay girlfriend-free hanggang ngayon.

Matagal-tagal na rin ang last relationship ni Jeric at concentrated daw siya sa kanyang paglalaro ngayon sa MPBL ni Manny Pacquiao.

Siyanga pala, habang nasa Power Plant, nakita kong namimili sa Penguin store ang magkapatid dahil pareho sila ng taste pagdating sa pananamit.

Oo nga pala, Ateng Salve, alam mo ba na hanggang ngayon ay may mga nag-aalalang kambal sina Jeric at Jeron, pero ang totoo, three years older ang una dahil bunsong anak ang huli.

‘Yun na!

TONI GONZAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with