‘Know when to quit!’

Kung gusto mo talaga na makatulong sa isang tao Salve, iiwasan mo masabit sa gulo na magiging dahilan para magkaroon problema.
There is such thing na mas makakatulong ka kung nasa tabi ka lang at hindi nasa frontline at naisip ko ito nang pakinggan ko ang senate hearing tungkol sa mga nangyayari sa Bureau of Corrections na pinamumunuan ni Director General Nicanor Faeldon.
Dahil sa senate hearing, nalaman ko na na-assign din si Faeldon sa Bureau of Customs at sa isang ahensya ng gobyerno.
Malapit daw kay President Rodrigo Duterte si Faeldon kaya kapag nawala ito sa isang posisyon, inililipat siya agad sa ibang puwesto.
Nakakainggit ang unconditional na tiwala kay Faeldon ni Papa Digong pero kung ganito na umabot na sa tatlong beses ang kapalpakan na sinasabi na nagawa niya, siya na mismo ang dapat na mag-decide if his presence sa government is helping the President.
Si Faeldon na mismo ang makapag-a-assess kung plus o minus factor ba siya sa tao na close sa kanya.
Call niya as a friend to know kung makakatulong siya o hindi. We trust na sa kanyang sarili, Faeldon will be honest to know his worth as a major player in the government or just stay in the background making and helping Papa Digong in his work. Know when to quit, be smart.
HK, BKK at VN medyo nakakasawa na
Natawa ako dahil may nagtanong sa akin tungkol sa Christmas gift na gusto ko, trip to Hong Kong, Bangkok o Vietnam.
Parang hindi ko naman ma-feel ang excitement dahil isang malaking mall lang ang Hong Kong, big tiangge naman ang Vietnam at sawa na ako sa Amari Hotel ng Bangkok.
Now ko na-realize na mga supermarket lang ang gusto na puntahan sa abroad at ito yata ang hindi ko napuntahan sa Vietnam.
Hindi ko natikman ang excitement ng paglilibot sa loob ng supermarket kaya parang hindi muna ako magta-travel dahil medyo nagsawa ako sa packing, unpacking at sa travel papunta sa airport.
Baka next year muna ang mga raincheck sa mga regalo sa akin na trip para mas ma-excite na uli ako sa supermarket trips.
Manoy pinalakpakan ang naiwang pelikula
Nakakatuwa naman ang balita na pinalakpakan daw ang first scene ni Eddie Garcia sa Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo sa premiere night nito na ginanap noong Lunes sa SM Megamall Cinema.
Ang pagpalakpak ng audience ang simbolo ng pagbibigay-pugay nila sa pumanaw na aktor.
Dumalo sa premiere night ng comedy movie ng Viva Films si Lilybeth Romero, ang longtime partner ni Tito Eddie.
I’m sure, touched na touched si Lilybeth sa pagpupugay na ibinigay ng audience sa kanyang partner for more than three decades.
Kung missed na missed ng Pinoy fans si Tito Eddie, si Lilybeth pa kaya na talagang umikot lang ang mundo sa legendary actor?
- Latest




















