^

Pang Movies

Utol ni Coco waging Best Actor

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Utol ni Coco waging Best Actor
Ronwaldo Martin

Proud si Coco Martin sa nakakabatang kapatid na si Ronwaldo Martin na tumanggap ng award  bilang Best Actor. Mas nakasisiguro pang mas siya ang nagbunyi sa tinamong tagumpay ng kanyang dear brother. Hinirang si Ronwaldo bilang Best Actor sa katatapos na Subic Bay International Film Festival para sa pelikula niyang 1957. Ito rin ang nagbigay ng Best Director award kay Hubert Tibi at Best Supporting Actor kay Richard Quan. Best Picture ang Kids of War; Best Supporting Actress, Ynez Veneracion at Best Actress, Sylvia Sanchez para sa Jesusa; nakatie naman ni Sylvia sa Best Actress si Aiko Melendez para sa Tell Me Your Dreams.

Pelikula ni Xian may teaser na

Sigurado na ang pagsali ni Xian Lim sa Cinemalaya 2019 na magaganap sa buwan ng Agosto. Napanood na ang teaser ng pelikula niyang Tabon, isang psychological thriller ito na isinulat niya at dinirek para sa nasabing pista ng pelikula. Produkto ang Tabon ng 15-week workshop na kinuha niya kay Ricky Lee. Hindi naman pababayaan ni Xian ang kanyang pag-aartista. May pelikula siya sa Viva, ang Untrue kasama si Cristine Reyes.

Willie personal na paliliparin ang sariling chopper

Limang oras na lamang at tapos na ni Willie Revillame ang 40 oras na requirement niya sa kanyang pag-aaral na maging isang ganap na piloto sa guidance ng tatlong professional pilot. Mapapalipad na rin niya ang sarili niyang chopper na hindi niya naisip na buruhin lamang sa lugar na kinahihimpilan nito. Ayaw naman niyang umasa na lamang na paliparin ito ng iba.

Pamilya ni Matteo bet na bet si Sarah

Talaga marahil nagkakaigihan na ang pamilya ni Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. Kasama ng Pop Princess sa ginawa niyang pagbisita sa Camp Tecson, Baliuag, Bulacan ang magulang at siblings ng kanyang nobyo. Aabot sa 45 days ang pananatili ni Matteo sa nasabing kampo. Naging maganda naman ang ginawang pagwelcome kay Sarah at mga kasama ng mga dinatan nilang Sout Ranger trainees.

Top 12 ng Idol PH, may kulang daw?!

Obserbasyon ng marami na hindi impressive ang napiling Top 12 ng Idol Philippines. Much was expected from Vice Ganda, Regine Velasquez, James Reid and Moira dela Torre dahil matataray silang judges pero, matapos ang ilang linggong audition at group at solo competitions, parang nakukulangan ang manonood sa mga napili. Kailangang makabawi ang show para hindi ito mapatungan ng kalabang Starstruck na nakahanap na rin ng Top 14. Dapat ginagabayan ng mga judge ang Top 12 para makasiguro na sila nga ang pinakamagagaling sa mga successful passer.

vuukle comment

RONWALDO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with