^

Pang Movies

‘Terrence at Von magka-team pala!’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
�Terrence at Von magka-team pala!�
Terrence Romeo, Von Pessumal

Dahil sa pagmamahal ko kay Terrence Romeo, naloka ako nang malaman ko na ka-teammate niya sa San Miguel basketball team si Von Pessumal, ang inaanak namin nina Lorna Tolentino at Gabby Concepcion sa binyag.

Bigla akong nahiya kay Dr. Chandru, Pessumal, ang tatay ni Von na takbuhan ko kapag kailangan ko ng salamin sa mata.

Siya rin ang gumawa ng eyeglasses ni Jun Lalin dahil favorite optometrist namin si Dr. Chandru. Panay ang cheer ko kay Terrence at hindi ko man lang na-mention ang name ni Von na mahusay rin na player, to think na ninang niya ako sa binyag.

At least may reason na ngayon kung bakit San Miguel fanatic ako, sina Terrence at  Von na love ko pareho.

Talagang maliit ang mundo, imagine, biglang may basketball team na ako at nasa sports world na ang beauty ko sa edad na 72, bongga ‘di ba?

So congrats Terrence and Von, winner talaga, dapat champion kayo para happy ang Dickies, sina Dodie Acaya at Joe Atienza na mga sponsor ng San Miguel. Go go, fight fight champions!

Fans ni Regine nawindang kay Ben

Nawindang ang fans ni Regine Velasquez sa mga emote ni Ben Tulfo laban sa kanya.

Naloka ang fans dahil sa mga salita na binitiwan ni Papa Ben na hindi agree sa comment ni Regine tungkol kay DFA Secretary Teddy Locsin.

Lumaki ang balita dahil nag-react si Ogie Alcasid sa Facebook live post ni Papa Ben noong Lunes. Hindi natin masisisi si Ogie at ang fans ni Regine dahil brutal naman talaga ang mga emote ni Papa Ben.

vuukle comment

TERRENCE ROMEO

VON PESSUMAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with