^

Pang Movies

Gardo biglang lipat

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Matagal na napanood si Gardo Verzosa sa mga teleserye ng GMA 7 kaya marami ang nagulat nang makita siya na kasali sa cast ng bagong teleserye ng ABS-CBN.

Huling napanood si Gardo sa Onanay bilang kapatid ni Nora Aunor at maraming teleserye na rin ang ginawa niya sa Kapuso Network kaya expected na may mga nagulat sa paglipat niya sa ABS-CBN.

Hindi naman nag-iisa si Gardo dahil may ibang mga artista na napapanood sa mga programa ng ABS-CBN pero nag-oober da bakod sa GMA 7 kapag natapos na ang mga teleserye na tinatampukan nila. Nandiyan sina Teresa Loyzaga, Dina Bonnevie, Mylene Dizon at iba pa na starring sa mga show ng ABS-CBN pero lumipat sa GMA 7 dahil sa mga bongga na offer.

Jasmine, sensitive actress na

May reason si Anne Curtis na manawagan na bigyan ng mga magagandang role ng GMA 7 ang kanyang kapatid na si Jasmine Curtis Smith dahil ang husay-husay nito bilang nanay ni young Sahaya na ginagampanan ni Bianca Umali.

Sensitive actress ang description kay Jasmine dahil napakagaling niya na artista. May depth ang kanyang acting na ikinukumpara sa abilidad sa pag-arte nia Hilda Koronel at Iza Calzado.

Dramatic actress talaga si Jasmine dahil mahusay siya sa kanyang mga dramatic scene sa Sahaya.

Star-studded!

Star-studded ang premiere night ng Mystified noong Sabado dahil maraming mga artista ang dumalo.

Kasama ni Lorna Tolentino ang kanyang apo na si Tori at ang mga anak niya na sina Rap at Renz Fernandez.

Nanood ng Mystified ang pamilya ni LT bilang suporta nila kay Karylle na pamangkin niya sa tunay na buhay.

Nag-watch din sina Mark Bautista, Andrea Torres, Alice Dixson, ang mga anak ni Sunshine Dizon, ang asawa ni Iza Calzado na si Ben Wintle, si Kyline Alcantara na sinuportahan naman si Sunshine na gumaganap na nanay niya sa Inagaw Na Bituin.

May mga nagtaka lang dahil wala sa cast ng bagong Encantadia ang nanood ng Mystified. Hindi nakarating si Kylie Padilla pero nanood ang kanyang sister na si Queenie. Wala rin sina Glaiza de Castro, Gabbi Garcia at Sanya Lopez na nakatrabaho ni Mark Reyes sa bagong Encantadia.

Wala rin naman si Mark dahil out of the country ito kaya ang nanay niya ang nanood. Tuwang-tuwa raw ang nanay ng direktor ng Mystified dahil sa acknowledgment sa kanyang presence at dahil nag-enjoy ang audience sa pelikula ng anak niya na mapapanood sa iFlix.

Janine lilipad pa-London

Nag-advance taping si Janine Gutierrez para sa mga eksena niya sa Dragon Lady dahil pupunta siya sa London para du­malo sa isang sosyal na event na may kinalaman sa isang sikat na cologne.

Sandali lang ang London trip ni Janine dahil hindi pa yata lalampas ng limang araw ang pananatili niya sa ibang bansa pero kasama siya sa lahat ng mga eksena ng Dragon Lady kaya nagkaroon ng advance taping ang cast ng afternoon drama show ng GMA 7.

vuukle comment

GARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with