Emma
Emma at Evan walang happy ending
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - March 23, 2019 - 12:00am

Mukhang hindi na matutuloy ang kasal nila Emma Roberts at Evan Peters dahil muli silang naghiwalay.

Ayon sa report ng Us Weekly, nakita ang pamangkin ni Julia Roberts na si Emma na nakikipag-date sa aktor na si Garrett Hedlund. 

On and off ang naging relasyon ni Emma kay Evan simula noong nagkaroon sila ng relasyon habang ginagawa ang indie film na Adult World.

Noong 2014 ay nag-propose si Evan kay Emma habang ginagawa nila ang series na American Horror Story.

Naghiwalay naman si Emma noong 2015 pero muli silang nagbalikan. Pero nitong 2019 ay mukhang tuluyan nang iniwan na ni Emma si Evan.

Maraming naging issues sa relasyon ng dalawa. Noong 2013, pinaaresto ni Evan si Emma for domestic violence sa Montreal, Canada.

Ang current boyfriend ni Emma na si Garrett Hedlund ay napapanood sa Netflix film na Triple Frontier kasama sina Ben Affleck at Oscar Isaac.

Aicelle at Mark ipinasilip ang prenup

Tuloy ang pagpapakasal nila Aicelle Santos at Mark Zambrano sa taong ito. Sa katunayan ay nai-share na nila sa Instragram ang kanilang prenup shoot na kinunan sa Zurich, Switzerland.

Naging memorable ang Switzerland para sa dalawa dahil doon sila nag-celebrate ng pagpasok ng New Year.

Nag-shoot ang soon-to-be-husband and wife sa mga pamosong sites ng Switzerland tulad ng Old Town, Matterhorn at The Rhine Falls.

Tapos na nga ang stint ni Aicelle sa musical na Miss Saigon kung saan gumanap siya bilang si Gigi. Pagkauwi niya ng Pilipinas, agad nilang inasikaso na ng kanyang fiancé ang kanilang wedding.

EMMA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with