_pang-masa
^

Pang Movies

Tummy ni Andi Eigenmann malaki na!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Tummy ni Andi Eigenmann malaki na!

“My tummy got so big so fast. Not sure if all human baby or half food baby,” kuwento ng aktres na si Andi Eigenman na buntis sa kanyang pangalang baby courtesy of her surfing champion dyowa Philmar Alipayo.

Yup, lumantad nga siyang may laman na naman ang tummy matapos ang ilang linggong pananahimik sa social media.

Mas pinili nga ni Andi na mamuhay sa isla dahil sa gusto niyang maging normal ang buhay.

In a way ay tinalikuran na niya ang showbiz pero tumatanggap naman siya ng trabaho pag gusto niya.

“Haven’t been as active on social media for many (great) reasons - Been adjusting slowly but surely to my ‘new life’.

“The journey has been so exciting, yet scary at the same time but we have been so happy and at peace nonetheless.

“Still wouldn’t have my life any other way.

“We are now on our way to moving to our new island home where my growing family will make more joyful memories together.

“Our loved ones, specially Ellie and @chepoxz [Philmar], and I CANNOT WAIT,” tungkol sa kasalukuyan niyang kalagayan.

Taga-Siargao ang sinasabing pinaka-mahusay na surfer sa bansa na inamin ni Andi na nakilala niya nang minsang magbakasyon siya sa isla. Ayon sa lumabas na interview niya sa abs-cbn.com, siya ang unang lumapit noon kay Alipayo.

“Nung first time ko siyang na-meet ay nilapitan ko siya at nagpa-picture ako kasi siya iyong number one sa Philippine surfing last year. Ever since we would talk and chat,” kuwento niya sa lumabas na interview

“Hindi ko in-expect talaga. Sabi ko nga, ‘Itatanong pa ba iyon?’ Ang sarap-sarap main-love kapag nasa paradise ka,” dagdag niya dun.

14 weeks and three days sa kanyang tiyan sa kasalukuyan na ang ama nga ay si Alipayo.

May anak na si Andi, si Ellie, na seven years old na. Ama nito ang anak nina Manila Mayor Joseph Estrada and former actress Laarni Enriquez na si Jake Estrada.

ANDI EIGENMAN JAKE ESTRADA JOSEPH ESTRADA PHILMAR ALIPAYO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with