_pang-masa
^

Pang Movies

Artikulo Uno nakasilat

Vince Nuguid - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nanalo ang dehadong kabayong Artikulo Uno na sinakyan ni jockey Ken Malapira sa naganap na karera noong Huwebes sa pista ng Sta Ana Park Saddle and Clubs sa Naic, Cavite.

Nasilat nito ang super mega oustanding favorite na White Chocolate kaya naglakihan ang mga ibinigay na dibidendo sa Double, Forecast, Extra Double at lalung-lalo na sa mga Exotic Betting Options.

Sa nasabing karera ay maagang nagkaroon ng tagisan ng bilis ang Zapima at Tunnel Vision habang nakaabang lang sa ikatlo at ika-apat na puwesto ang White Chocolate at Artikulo Uno.

Bago sumapit sa huling kurbada ay kinuha na ng dehadong Artikulo Uno sa banderang Zapima ang unahan at tuluyang nanalo na may mahigit dalawang katawang agwat laban sa nasegundang White Chocolate.

Sapul na sapul ng Race Program Sniper (sa pahina10) ang nanalong Artikulo Uno na pagmamay-ari ni Konsehal Erwin Molina ng Sampaloc, Manila.

Nagbigay ang Forecast ng tamang P165.50 para sa mga tumaya sa nanalong kumbinasyon nito na 8-3 habang halagang P165.40 naman ang ibinigay na dibidendo sa Trifecta para sa nanalong kumbinasyon na 8-3-7.

Malaki rin ang ibinigay sa Daily Double dahil P480.50 ang ibinigay sa kada isang ticket habang P266.00 naman ang tinamaan sa mga tumaya sa Extra Double kabit sa nanalong Radian Talisman sa Race 1.

Nagbigay naman sa Winner Take All ng P14,516.80 para sa nanalong kumbinasyon  na 4-7-8-4,5-3-4-7.

ARTIKULO UNO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with