Rainbow’s Sunset pinag-iinteresan
VEROFIED - Veronica Samio (Pang-masa) - December 21, 2018 - 12:00am

Nakatutuwang makita na maraming nanood at nakiusyoso sa premiere night ng Rainbow’s Sunset na nakakuha ng grade A sa Cinema Evaluation Board (CEB). Pinagningning ang presence ng dalawang bagong mga batang artista na sina Zeke Sarmenta at Nella Marie Dizon. Nagsilbing escort ang kani-kanilang mga ama na sina Romnick Sarmenta at Allen Dizon sa red carpet premiere ng nasabing pelikula.

 

Maituturing na pinakamalaking break ito nina Zeke at Nella Marie sa pag-arte. Obvious na ginastusan ang promo para masulit ang magandang pagkakagawa nito. Ang bida sa Rainbow’s Sunset ay sina Eddie Garcia, Gloria Romero, Tony Mabesa, Tirso Cruz lll, Aiko Melendez, Sunshine Dizon and Max Collins.

The preem served as a family affair dahil si Gloria Romero ay sinamahan ng kanyang apong si Chris Gutierrez. Kasama naman ni Pip ang maybahay niyang si Lynn Cruz. Ang magkapatid naman na Harlene at Hero Bautista ang umalalay kay Eddie Garcia na walang kasama.

Ang magkapatid na Bautista rin ang mga producer ng Rainbow’s Sunset. Si Joel Lamangan ang nag-direct ng movie.

Mariel at Liezl parang sina Regine at Michelle

Tulad nina Regine Velasquez at Michelle van Eimeren na maganda ang relasyon kahit pa pareho silang naging bahagi ng lovelife ni Ogie Alcasid, mukhang susundan din nina Mariel Rodriguez at Liezl Sicangco ang yapak nila para maging magkaibigan din kahit pa past and present sila ni Robin Padilla. Walang nakitang ilangan kina Mariel at Liezl nang sabay silang dumalo sa kasal ni Kylie Padilla at Aljur Abrenica, bagkus nakadagdag pa sila sa excitement ng mga dumalo at ng okasyon.

Sam dapat matuwa sa mga naiinis sa mga ginagawa niya

Hindi na siguro kinailangan pang mag-sorry ni Sam Milby sa mga manono­od ng serye niyang Halik, kung naapektuhan ang mga ito sa hindi niya magandang character, It was just a role. Dapat nga matuwa siya na nagagalit ang mga manonood sa kanya. Nangangahulugan lang ito na effective ang performance niya, magaling siya.

Wala naman marahil siyang nasaktan directly sa acting niya. Okay din lang na may nagri-react ng hindi maganda kapag nakakaharap niya o nagpapamalas ng galit sa social media, OA naman nila, trabaho lang yun. Akala ko ba matalino na ang mga manonood ngayon?

CINEMA EVALUATION BOARD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with