^

Michael at JayR pinagkukumpara!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - July 14, 2018 - 12:00am

Hindi ko alam kung bakit pinagsama sa iisang album na may title na Greatest Hits nina Michael Pangilinan at JayR sa playlists ng mga OPM hits eh  pareho naman silang magaling.

Hindi tuloy maiwasan na ipagkumpara ang dalawa. Sinasabi na pareho sila ng style sa singing. Hindi kaya, dahil parehong unique at magkaiba ang atake nila.

Si JayR alam agad ang forte niya na walang kupas sa kanyang pagiging RnB Prince.

Si Michael ang revelation na ang taas pala ng boses. Mas gumaling pa siya after ng Your Face Sounds Familiar na ang hirap sundan ng mga kanta niya dahil sa sobrang galing.

Kung baka sa plaka LSS ang mga tracklist nila lalo na sa bahay na panay ang patugtog ng Tagalog Love Songs Playlist  nina Michael at JayR na 100 times na ginagawang pampatulog ng mga bagets na hindi nagsasawa dahil kinabukasan ay  maghapon nila muling patutugtugin.

Minsan kailangan ko pang tingnan kung kaninong single o sino ang kumanta sa ganda ng angelic voice para makasigurado akong si Michael nga ang kumanta.

Samantalang thumbs sa lamig ng boses ni JayR na touching sa mga swabe at sexy nitong boses.

JAYR MICHAEL PANGILINAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with